App herunterladen
5.96% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 58: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (6)

Kapitel 58: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang mga panahon na iyon, isang oras ang ride ng tren mula sa Shanghai papapunta ng Hang Zhou. Madalas na binibisita ni Qiao Anhao si Qiao Anxia at sabay silang pupunta ng Hang Zhou, na nagsasabi na mas masaya sa Shanghai.

Pagdumating na sila sa Hang Zhou, Bubuksan naman ni Qiao Anhao ang QQ para biruin si Lu Jian na ilibre sila ng pagkain.

Tuwing mag-rerequest siya kay Lu Jinnian ay dadalhin naman sila nito para kumain.

Kaya ng 4 year na niya sa university, naipon niya ang makapal na patong ng plane tickets mula Beijing papunta sa Shanghai, train tickets mula Shanghai papunta ng Hang Zhou at plane tickets na mula Hang Zhou pabalik ng Beijing.

Ang bawat isa ay ang pagtatagpo nila ni Lu Jinnian.

Hindi, bawas pala ito ng tatlo ang kanilang pagtatagpo dahil tatlong beses siyang pumunta ngunit hindi siya nakipag-tagpo.

Bago siya tanggihan nito na makita nito, nagpunta siya sa Shanghai pero dahil hindi niya nasabihan si Qiao Anxia na pupunta siya naiwan siyang mag-isa sa Shanghai dahil nagpunta ito sa France kasama ang mga kaibigan.

Hindi siya pamilyar sa Shanghai kaya unang beses niya sumakay mag-isa papunta ng Hang Zhou. Dati madalas kasama niya si Qiao Anxia o kaya si Xu Jiamu. Habang nasa tren nag-iisip siya ng magandang dahilan para makita si Lu Jinnian.

Dahil sa kakaisip niya ng dahilan hindi niya namalayan nawala ang wallet niya.

Namalayan niya lang ito ng makalabas na siya ng tren, walang ka pera-pera si Qiao Anhao at hindi siya pamilyar sa lugar pero imbes na malungkot na tuwa pa siya ninakaw ang wallet niya.

Nag-iwan siya ng message at tinanong nito ang location niya. Sinabi din nito na manatili ito sa puwesto niya at sinunod niya ito. Naghintay siya ng halos tatlong oras hanggang sa makarating si Lu Jinnian.

Agaw atensyon ang suot na sinaunang costume ni Lu Jinnian dahil sa dumi nito.

Napagtanto niya lang na filming pala ni Lu Jinnian sa Hengdian ng matanggap nito ang message ng makasakay sila ng cab.

Dinala ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa apartment niya dahil hindi makapag-check in si Qiao Anhao sa hotel, kasama kasi sa nawalang wallet pati ang ID niya.

Nang makarating sila sa apartment, maliit ito at luma, ang loob ay simple at may pangunahing kasapkapan tulad ng kama, lamesa na may lumang komputer, kusina at banyo.

Naligo si Lu Jinnian at nagpalit ng damit saka tinawag si Qiao Anhao para maligo bago ito umalis para bumili ng pagkain.

Nang matapos si Qiao Anhao maligo may dala na si Lu Jinnian na pagkain na nakapatong sa lamesa.


Kapitel 59: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos nilang maghapunan hinanda ni Lu Jinnian ang kama bago siya bumalik sa hostel.

Ngunit, hinawakan ni Qiao Anhao ang kamay niya. Naisip ni Lu Jinnian na maaring takot si Qiao Anhao kaya tahimik itong naupo sa tapat ng kanyang computer.

Tahimik ang buong kuwarto maliban sa buzzing ng computer habang si Qiao Anhao ay nakahiga naglalaro ng kanyang telepono.

Mabilis lumipas ang oras, 11 pm nang mahiga si Lu Jinnian sa nilatag niyang kutson sa sahig at si Qiao Anhao ang nahiga sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao, ang gamit niyang kumot ay balot ng amoy ni Lu Jinnian.

Ninanamnam nila ang katahimikan ng gabi habang nakikinig sa paghinga ng isa't-isa hanggang sa sila ay naka tulog.

Sa gitna ng gabi, bumuhos ang ulan sa Hangzhou na may kasamang kulog at kidlat. Ngunit, kahit masama ang panahon hindi apektado si Qiao Anhao bagkus naka tulog pa ito ng mahimbing.

Kinabukasan kumuha ng temporary ID si Qiao Anhao at sinamahan siya ni Lu Jinnian bumili ng plane ticket saka hinatid sa airport. Bago siya umalis pilit siyang binigyan ni Lu Jinnian ng ilang hundred dollars. Lumapit ito sa kanya at bumulong na mag-ingat at tumawag dumating na ito sa Jingcheng.

Nang mga oras na iyon tila may pasibol na relasyon sa pagitan nilang dalawa.

Ngunit matapos ng araw na iyon bilang nagbago ang lahat.

Matapos makarating sa Jingcheng kumuha ng bagong ID si Qiao Anhao at agad na kumuha ng ticket papauntang Shanghai at sinama si Qiao Anxia papuntang Hangzhou at gaya ng dati tinawagan niya si Lu Jinnian.

Sinabi ni Lu Jinnian na hindi siya makakapunta dahil nasa Hengdian ito. Hindi pwede ang outsiders ang sinabi ni Lu Jinnian ng mag-alok si Qiao Anhao na pumunta sa Hengdian.

Bahagyang nalungkot si Qiao Anhao at pinaniwalaan na busy nga ito kaya umalis na siya matapos ng dalawang araw.

Isang buwan ang nakalipas, binisita niya ulit ang Hangzhou pero ang sabi ni Lu Jinnian nasa filming ito kasama si Xi An.

Matapos ulit ng kalahating buwan, nasa Hangzhou siya ulit ngunit, tinanggihan siya ulit nito sa parehas na dahilan.

Nang mga oras na iyon, lalong sumisikat si Lu Jinnian matapos gawin ang ilang roles. Maging ang mga kasama ni Qiao Anhao sa hostel ay pinapantasya ito.

May pakiramdam si Qiao Anhao na iniiwasan siya nito. Ngunit, hindi niya alam kung bakit.

Naisip niya na baka dahil sa pagmamahal kaya kung ano-ano ang iniisip niya.

Gayumpaman, nalaman niya na may na gugustuhan ito kaya tinanong niya ito bilang isang kaibigan.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C58
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES