App herunterladen
5.75% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 56: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (4)

Kapitel 56: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kaya gusto ni Qiao Anhao sa Hang Zhou ay dahil ito ay isang magandang lungsod, pero walang lungsod ang kanyang palitan si Lu Jinnian. Kahit alam niya mahirap maabot ang A university at si Lu Jinnian, gusto niya pa rin ito.

Nang araw din iyon ang bagong goal ni Qiao Anhao ay makapasok sa A university at maging schoolmate si Lu Jinnian.

Mahirap makapasok sa first sa first class pero mas mahirap makapasok sa A university. Lahat ng students sa buong bansa gustong makapasok dito, maging ang mga magulang pinangarap na makapasok ang kanilang anak. Walang hanggan ang abilidad ng isang tao at ang kanyang pagkahumaling kay Lu Jinnian ay grabe, kahit anong opportunity ibibigay niya lahat basta mapalapit sa kanya.

Ginugol niya ang sarili sa pag-aaral simula ng araw na iyon hanggang sa exam. Maliban sa pag-aaral, pag-tulog, pagkain at sikretong pag-iisip kay Lu Jinnian na naging motivation niya, wala na siyang ginagawang iba pa.

Nagbunga ang kanyang paghihirap dahil isang marka lang ang binaba niya kay Xu Jiamu at ang resulta ito ay madaling makakapasok sa A university.

Hinanap ni Qiao Anhao ang kay Lu Jinnian, mas mataas ito ng 10 marka kay Xu Jiamu.

Naiyak siya sa saya dahil lahat sila nakakuha ng cut off para sa A university.

Matutupad na din ang pangarap niya.

Nakuha ni Qiao Anhao ang acceptance letter ng summer day. Dinala niya namam ito sa A university ng early autumn. Matapos na makumpleto ni Qiao Anhao ang administrative proceducers inimbita niya si Xu Jiamu uminom dahil alam niya na pasok sa A university ito.

Tinanong niya si Xu Jiamu, "Bakit hindi mo kasama si Lu Jinnian? Asan siya?"

Kinagat ni Xu Jiamu ang straw at sinabi, "Yung kapatid ko? Nagpunta siya ng Hang Zhou at hindi pumunta sa A university." tumigil siya sandali at tinuloy, "Mas malapit kasi ang Hang Zhou sa Hengdian. Noong holidays kasi na scout siya para maging artista at madalas din siyang pupunta sa Hengdian kaya na pili niya ang university sa Hang Zhou."

May nakakaalam ba kung ano pakiramdam ng gumuho ang buong mundo mo?

Lumipas na ang maraming taon, Ngunit, ganon pa rin ang pakiramdam ni Qiao Anhao tuwing naalala niya ito. Pakiramdam niya na kuyerte ang buong kaluluwa niya.

Pinaghirapan niya na makapunta sa A university, tapos napunta si Lu Jinnian sa Hang Zhou para umarte dahil mas malapit ito sa Hendian?

Marami nang nagsabi na ang tadhana ang naglalapit sa mga tao? Hindi siguro sila naka tadhana ni Lu Jinnian?

Kahit gamitin niya siguro ang kaluluwa niya para habulin, mahalin ito, kahit kaunti wala siyang makukuha pabalik.

Mukhang maganda ito noong bata pa, ngunit puno ito ng kalungkutan.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.


Kapitel 57: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumulo ang luha niya habang naalala niya ang nakaraan.

Gaano man siya magsikap, hindi niya magawang mapalapit dito.

Maraming beses, ang kalungkutan na lingngid sa kaalaman ng iba, lumalabas tuwing naalala ito, tila naka ukit sa puso at kahit baliwalain mo ito, sa mahinang dampi sumasabog ito sa milyong piraso at nagbibigay ng walang katubas na sakit.

Karaniwang student si Qiao Anhao na may pangkaraniwang na grado na pumasok sa isang lokal na university sa Shanghai.

Hindi tunay na magkapatid sina Qiao Anhao at Qiao Anxia pero galing sila sa isang tahanan. Simula ng mamatay ang mga magulang ni Qiao Anhao sa car accident, tumira siya sa bahay kasama si Qiao Anxia kaya halos magkapatid ang turingngan nila.

Umalis sa tirahan nila si Qiao Anxia para lumipat sa Shanghai at madalas niyang tinatawagan sina Xu Jiamu at Qiao Anhao para pumunta ng Shanghai. Nagpunta sila ng winter matapos maimbita ng ilang beses.

Parehas na paunlad na lungsod ang Shanghai at Beijing wala itong masyadong laruan. Dahil dito nagmungkahi si Qiao Anxia na pumunta sa Hang Zhou.

Sina Xu Jiamu at Lu Jinnian ay malapit sa isa't-isa tunay silang magkapatid sa magkaibang ina. Kaya madali ni Xu Jiamu naimbita si Lu Jinnian.

Nanatili sila ng apat na araw at sinamahan sila ni Lu Jinnian, mula sa West Lake Broken Bridge hanggang sa Leifong Tower, sa Lingxi Temple

hanggang sa Xixi Wetland. Nagawang maging malapit ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian matapos ng 4 na araw at 12 kainan. Hindi katulad ng nakaraang 4 na taon bilang schoolmates.

Pumunta sila sa Hang Zhou shopping mall sa huling araw nila sa Hang Zhou. Dahil babae sina Qiao Anhao at Qiao Anxia bumili sila ng magagandang gamit at dahil malapit sila kay Xu Jiamu walang awa nila itong ginastos.

Lalong naging tahimik si Lu Jinnian ng makita niya natural gumastos silang tatlo ng ilang libo. Kaya nagdahilan siya at nagsabi na pupunta siya ng banyo. Naupo siya sa maliit na cubicle at saka humithit ng sigarilyo, nang maubos niya ang isang kaha. Tuwamag naman ang mga ito at tinanong kung nasaan siya.

Sa Hang Zhou, dinagdag ni Qiao Anhao si Lu Jinnian sa QQ at parati itong gumagawa ng dahilan para makausap ito simula ng bumalik ito sa Jingcheng. Kahit nag-uusap sila ay tila wala itong katapusan. Baliwala ang distansya sa kanilang magka-dikit na puso.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C56
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES