App herunterladen
5.65% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 55: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (3)

Kapitel 55: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos umalis ang babae, naglakas loob si Qiao Anhao na magtanong. "Kayo na ba nung babae?"

Kinagat niya ang dila niya pagkatapos niyang magtanong. Titignan ba siya ni Lu Jinnian bilang isang tsismosa?

Nababahala man, pa-tagong pa rin tinignan ni Qiao Anhao ang ekspresyon ni Lu Jinnian. Sumimangot si Lu Jinnian at tumingin kay Qiao Anhao mula sa librong binabasa at marahang sinabi, "Hindi."

Tumango si Qiao Anhao at lumikha ng tunog na "oh."

Bumalik sa katahimikan ang kuwarto at bumalik naman si Lu Jinnian sa pagbabasa nang matapos ng mahabang katahimikan ay nagsasalita ulit ito, "Ang class natin ang bahala sa pag-organisa ng mga activities at tayong dalawa ang in charge."

Hindi umalis ang tingin ni Lu Jinnian sa libro pero seryoso niyang sinabi ito.

Nagtago sa kumot si Qiao Anhao at ngumiti.

Binigyan ng nurse si Qiao Anhao ng pain killers para sa buwanang dalawa. Binigay ni Lu Jinnian ang 30 dollars.

Paglabas nilang dalawa sinundan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, kinuha ang wallet niya at inabot ang 50 dollars kay Lu Jinnian.

"Salamat sa tulong, heto pala yung doctor's fee."

Tumingin si Lu Jinnian sa 50 dollar na banknote na hawak ni Qiao Anhao at sa bukas nitong wallet. Naglalaman ito ng makapal na 100 dollar bills. Ang sama ng tingin ni Lu Jinnian at agad na umalis palayo kay Qiao Anhao.

Pangalawang beses na nagsipag si Qiao Anhao sa pag-aaral ay yung matapos ng picnic. Nang mga panahong iyon si Xu Jiamu ay nag-iihaw sa labas. Imbitado din ang mga kaibigan nila at maging si Lu Jinnian ay kasama.

Maganda ang panahon ng mga araw na iyon. Matapos kumain nahiga sila damuhan. Ang lahat ay nag-uusap tungkol sa kanilang ambition at mga pangarap na university. Nang pabalik na si Qiao Anhao narinig niyang tinanong ni Xu Jiamu si Lu Jinnian, "Ikaw Bro? Saang university ka mag-aaral?"

"A university."

Kilala sa buong mundo ang A university at tanging mga nasa top ang maaaring makapasok. Nang malaman ito ni Qiao Anhao hindi niya na tinangkang pangaraping na makapasok.

May nagtanong na rin sa kanya kung gusto niya pumasok sa university ng Hang Zhou, wala siyang preference kung saang university pero dahil magandang lungsod ang Hang Zhou, naisip niya na magandang mag-aral sa university na doon.


Kapitel 56: Mga Alaala Ng Ating Kabataan (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kaya gusto ni Qiao Anhao sa Hang Zhou ay dahil ito ay isang magandang lungsod, pero walang lungsod ang kanyang palitan si Lu Jinnian. Kahit alam niya mahirap maabot ang A university at si Lu Jinnian, gusto niya pa rin ito.

Nang araw din iyon ang bagong goal ni Qiao Anhao ay makapasok sa A university at maging schoolmate si Lu Jinnian.

Mahirap makapasok sa first sa first class pero mas mahirap makapasok sa A university. Lahat ng students sa buong bansa gustong makapasok dito, maging ang mga magulang pinangarap na makapasok ang kanilang anak. Walang hanggan ang abilidad ng isang tao at ang kanyang pagkahumaling kay Lu Jinnian ay grabe, kahit anong opportunity ibibigay niya lahat basta mapalapit sa kanya.

Ginugol niya ang sarili sa pag-aaral simula ng araw na iyon hanggang sa exam. Maliban sa pag-aaral, pag-tulog, pagkain at sikretong pag-iisip kay Lu Jinnian na naging motivation niya, wala na siyang ginagawang iba pa.

Nagbunga ang kanyang paghihirap dahil isang marka lang ang binaba niya kay Xu Jiamu at ang resulta ito ay madaling makakapasok sa A university.

Hinanap ni Qiao Anhao ang kay Lu Jinnian, mas mataas ito ng 10 marka kay Xu Jiamu.

Naiyak siya sa saya dahil lahat sila nakakuha ng cut off para sa A university.

Matutupad na din ang pangarap niya.

Nakuha ni Qiao Anhao ang acceptance letter ng summer day. Dinala niya namam ito sa A university ng early autumn. Matapos na makumpleto ni Qiao Anhao ang administrative proceducers inimbita niya si Xu Jiamu uminom dahil alam niya na pasok sa A university ito.

Tinanong niya si Xu Jiamu, "Bakit hindi mo kasama si Lu Jinnian? Asan siya?"

Kinagat ni Xu Jiamu ang straw at sinabi, "Yung kapatid ko? Nagpunta siya ng Hang Zhou at hindi pumunta sa A university." tumigil siya sandali at tinuloy, "Mas malapit kasi ang Hang Zhou sa Hengdian. Noong holidays kasi na scout siya para maging artista at madalas din siyang pupunta sa Hengdian kaya na pili niya ang university sa Hang Zhou."

May nakakaalam ba kung ano pakiramdam ng gumuho ang buong mundo mo?

Lumipas na ang maraming taon, Ngunit, ganon pa rin ang pakiramdam ni Qiao Anhao tuwing naalala niya ito. Pakiramdam niya na kuyerte ang buong kaluluwa niya.

Pinaghirapan niya na makapunta sa A university, tapos napunta si Lu Jinnian sa Hang Zhou para umarte dahil mas malapit ito sa Hendian?

Marami nang nagsabi na ang tadhana ang naglalapit sa mga tao? Hindi siguro sila naka tadhana ni Lu Jinnian?

Kahit gamitin niya siguro ang kaluluwa niya para habulin, mahalin ito, kahit kaunti wala siyang makukuha pabalik.

Mukhang maganda ito noong bata pa, ngunit puno ito ng kalungkutan.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C55
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES