App herunterladen
5.24% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 51: Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (7)

Kapitel 51: Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Masaya ang buhay ni Qiao Anhao noong 10 taong gulang lang siya. Meron siyang mapagmahal na ina at matagumpay na ama.

Ngunit, nawala ang kanyang kaligayahan ng siya ay tumutong ng 10 taong gulang.

Pupunta ang mga magulang niya sa isang charity dinner, araw ng Huwebes. Bago umalis ang kanyang mga magulang tinulungan siya ng ama niya sa homework at ang kanyang ina, hinanda ang kanyang pampaligo at damit pamasok sa ekwela para bukas.

Si Qiao Anhao ang naghatid sa kanyang mga magulang palabas at sinabihan niya ang mga ito na maingat. Hinalikan ng mga magulang niya ang kanyang noo at nagpaalam bago umalis.

Tinuruan si Qiao Anhao ng kanyang ina na maging independent. Tuwing pinapakiusap ng magulang niya na labhan niya ang medya niya, gumagawa siya ng dahilan para hindi gawin ito. Gayumpaman, nang araw na iyon, ginawa niya ito ng walang dahilan, nilabhan niya ito at sinabit ng maayos. Sumaya siya ng ginawa niya ito at naalala niya ang kanyang ina.

Dumating ang kanyang tito kinabukasan at ito ang gumising sa kanya, hindi ang kanyang ina. Tinanong siya nito kung gusto niyang pumunta sa tahanan nito, upang manatili pansamantala.

Para sa isang 10 taong gulang na bata. Hindi niya napansin ang kakaibang tingin nito dahil sa tuwing may trabaho ito ay ipinapadala siya ng mga magulang niya sa kanyang tito kaya sumangyon siya at inimpake ang mga gamit.

May anak na babae ang tito niya at malapit sila sa isa't-isa. Hindi siya naghinala dahil kahit sino bata ay gugustuhin na may kasama. Ngunit, nagtanong siya sa kanyang tito kung bakit ang tagal umuwi ng kanyang mga magulang. Ang sinabi nito ay nasa ibang bansa ang mga magulang niya at pinaniwalaan niya ito.

Nang araw na iyon, nagkaroon ng away sa pagitan niya at ng kanyang pinsan dahil sa lauruan. Sinabi nito na patay na ang kanyang mga magulang at hindi na ito babalik. Hindi pa naiintindahan ni Qiao Anhao ang salitang patay na, ngunit, alam niya ang salitang "hindi na ito babalik." Ginising niya ang kanyang tito at tita dahil sa takot.

Naparusahan ang kanyang pinsan dahil sa ginawa nito ng gabing iyon, siya naman ay sinubukang pakalmahin at sinabing babalik din ang kanyang mga magulang. Hindi nagtagal nagsimula na siyang magtanong kung kailan ito babalik.

Dahan-dahan ay unti-unti niyang naintindihan ang sinabi ng kanyang pinsan. Tumigil siya sa pagtatanong.

Trinato siya ng kanyang tito at tita na parang isang tunay na anak kung ano meron ang kanyang pinsan, meron din siya, minsan ay higit pa at nagpapasalamat siya doon.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C51
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES