App herunterladen
5.03% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 49: Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (5)

Kapitel 49: Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumangi si Qiao Anhao at sinabi, "Hindi pwede, hindi nila gusto na ako yung female lead. Unang araw ko sa shooting siguradong maraming ang naka tuktok ang atensyon nila sa akin dahil sa sinabi ni Lu Jinnian ng gabi salu-salo, na nakuha ko ang role dahil sa kakayahan ko sa pag-arte. Pagsinabi ko na ipagpaliban ang mga eksena ko dahil sa aking sipon. Maaring nilang sabihin na umatras ako o baguhan palang ako nagiinarte na ko. Puwede din nila akong pagbintangan na sinasadya kong pabagalin ang filming."

-

Uminom ng mainit na tubig si Qiao Anhao bago lumbas para bumuti ang kanyang pakiramdam at pumunta sa makeup room nang magsimulang sumakit ang ulo niya.

Sa simula kaya niya ang sakit ng kanyang ulo, nang magtagal lalo siyang nahilo habang siya ay inaayusan sa makeup room.

Konti ang mga taong may shoot kaya halos lahat ng upuan ay ginagamit. Matapos tignan ni Lu Jinnian ang buong kuwarto. Pumunta si Lu Jinnian sa bakanteng upuan sa likod ni Qiao Anhao.

Hindi napansin ni Qiao Anhao na dumating si Lu Jinnian. Hanggang sa itapat ng makeup artist ang salamin sa kanya. Nakita niya si Lu Jinnian, nakupo sa bandang likuran at nakatingin sa salamin. Nagkataon nang tumingin si Qiao Anhao ay tumingin din si Lu Jinnian.

Nagulat si Qiao Anhao at agad nagbaba ng tingin nang makita siya ni Lu Jinnian. Naalala niya agad ang nangyari kagabi. Kaya habang inaayusan hindi gumalaw si Qiao Anhao.

Natapos ang makeup ni Qiao Anhao at tatayo na siya para pumunta sa set.

Nang tumayo si Qiao Anhao ay biglang napaupo ulit ito sa kanyang upuan. Hindi malaman kung dahil ito sa biglang pag-tayo o dahil sa kanyang sipon.

Nag-alala si Zhao Meng at sinabi, "Qiao Qiao, sigurado ka bang kaya mo? Wala ka sa tamang kondisyon ngayon. Kung sabihin ko na sa direktor at magpatingin ka na sa doktor?

Naisip niya na kahit konti ang shoot. Ang buong cast at crew ay nandito. Ang dahilan para makita siyang umarte.


Kapitel 50: Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kung totoo ang sinasabi ni Lu Jinnian nang araw ng salu-salo, gusto nila makita ang galing ni Qiao Anhao sa pag-arte. Nais nilang malaman kung ang pag-arte niya ay kayang talunin ang pag-arte ni Lin Shiyi at kunin ang second female lead.

Walang mga eksena si Lin Shiyi pero nagpunta siya kasama ng ibang mga aktor. Sumilong sila sa parasol at umupo habang naghihintay sa shooting.

Lahat ng mga eksena ni Qiao Anhao ay kasama si Lu Jinnian. Ngunit, hindi pa ito tapos sa make up. Nang hindi napapansin naupo si Qiao Anhao sa tabi ni Zhao Meng.

Nang matapos sa make up si Lu Jinnian pumunta siya sa set. Tumignin muna siya sa paligid bago tumingin kay Qiao Anhao. Naka jacket si Qiao Anhao habang suot ang kanyang costume. Nakaharap siya kay Zhao Meng, tila kausap ito at paminsan-minsan ay minamasahe ang ulo ni Qiao Anhao.

Dumaan ng mabilis si Lu Jinnian sa make up room malapit sa pwesto ni Zhao Meng at Qiao Anhao. Nangunot ang kanyang mga kilay at agad na dumiretso sa direktor na inaasikaso ang security equipment.

-

"Qiao Qiao, naubusan ng make up si Lu Jinnian," sabi ni Zhao Meng.

Mula sa malayo lumingon si Qiao Anhao sa lugar kung nasaan nag-uusap si Lu Jinnian at ang direktor kasama ang producer bago sila bumalik sa make-up room.

Pagkatapos, agad na pumunta ang assistant director kay Qiao Anhao at Zhao Meng.

Agad na tumayo si Qiao Anhao ng pumunta ang assistant direktor. Ang akala niya pumunta ito para sabihan sila na maghanda para sa shoot. Ngunit, humingi ito ng tawad, "Miss Qiao, Pasyensya na sinabihan ako ng direktor na kanselado ang shooting."

Nagtaka si Zhao Meng at maging si Qiao Anhao nangunot ang mga kilay.

"Walang shooting?" Nagtataka na tanong ni Zhao Meng.

Ngumiti ang assistant director at sinabi, "Oo, May importanteng gagawin si Mr. Lu sa lungsod, kaya sayang yung make up mo sa araw na to."

Nagtanong si Qiao Anhao,"Kailan tayo magsisimula ng shooting ng mga eksena ko?"

"Tingin ko makalipas ng apat o limang araw. Pasensya na Miss Qiao Anhao. Tatawagan namin kayo pag-alam na namin."

Mahinang nagreklamo si Zhao Meng pagkatapos umalis ang assistant director at sinabi, "Kung meron siyang gagawin, Bakit ngayon niyang lang sinabi? Kung kailan tapos na ang make up at naghintay na tayo ng kalahating araw. Tapos sasabihin niya walang shooting…"

-

Nag-alala si Zhao Meng sa kanya, gusto siyang dahil sa ospital. Matapos tanggalin ang kanyang make up at bumalik sa kanilang kuwarto ay saka napansin ni Qiao Anhao na may lagnat siya.

Walang balak sana si Qiao Anhao bumalik sa lungsod dahil maaaring abala ito sa shooting pero ngayon na may apat hanggang limang araw na pahinga. Nagpasya siya bumalik sa lungsod.

Nang makarating sa ospital ay nagpa-check up siya sa doktor, nalaman na hindi ito malala. Nagkaroon lang siya ng sipon at binigyan siya ng reseta ng gamot.

Kalahating oras ang nakalipas ng bumalik sila sa Fairview Park, inimom ni Qiao Anhao ang gamot at umakyat sa kama. Nagsimula na rin umepekto ang gamot dahilan para makatulog siya.

Ngunit hindi maka-tulog ng maayos si Qiao Anhao, maaring dahil sa sipon. Nang may mga alaala na pumasok sa kanyang isipan.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C49
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES