Matapos mawalan ng malay, nagising si Qiao Anhao sa malamig at napaka-tahimik na lugar. Naalala niya nasa banyo siya ni Lu Jinnian.
Ika-ika siyang tumayo palabas ng banyo dahil sa sakit ng kanyang buong katawan. Nang maka-labas nalaman niya na walang tao ang presidential suite at wala si Lu Jinnian.
Tumingin si Qiao Anhao sa orasan at pasado 1am na ng madaling araw.
Nakalimutan niyang dalhin ang kanyang telepono, kaya hindi niya alam kung gaano siya katagal nawala, sinabi na kaya ito ni Zhao Meng sa crew?
Kinuha niya agad ang telepono at tumawag sa kanilang kuwarto ni Zhao Meng at sinagot naman ito agad.
Maikli ang sinabi ni Qiao Anhao, "Hey…"
Nababahala si Zhao Meng sa kabilang linya, "Qiao Qiao, saan ka nagpunta?"
Hindi ito sinagot ni Qiao Anhao pero inutusan niya ito, "Pumunta ka sa 1001 magdala ka ng damit."
Matapos ng tawag. Nagdala agad ng damit si Zhao Meng saka ito nagpunta. Marami itong tanong kay Qiao Anhao kung bakit ito na 1001 pero nang makita niya ang maputlang itsura nito at katawan na puno ng pasa. Hindi niya ito magawang sabihin.
Walang nakakita sa kanila pabalik ng kuwarto dahil malalim na ang gabi at may filming kinabukasan.
Nakarating sila sa kanilang kuwarto saka nagtanong si Zhao Meng, "Qiao Qiao, Si Lu Jinnian ba?"
Hindi sinagot ni Qiao Anhao ang tanong, "Hindi mo pinaalam sa crew ang pagkawala ko?"
"Hindi." sabi ni Zhao Meng. Magtatanong uli sana ito pero sinabi ni Qiao Anhao, "Gusto kong maligo."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Zhao Meng at diretso siya sa banyo.
Matapos maligo hindi pa tulog si Zhao Meng. Nakatingin ito kay Qiao Anhao, kita ang sakit sa ekspresyon nito,"Qiao Qiao…"
"Gabi na Zhao Meng at ayos lang ako. Tara matulog na tayo," Agad na sinabi ni Qiao Anhao kay Zhao Meng.
May gusto sabihin si Zhao Meng pero dinaan niya nalang ito sa pagbugtong hininga at umakyat sa kanyang kama.
Pumunta sa kama si Qiao Anhao at pinatay ang ilaw, tinakluban niya ang sarili ng kumot at tahimik na umiyak.
---
Dahil sa paliligo ni Qiao Anhao kagabi at ang matagal na paghiga sa sahig ng banyo. Kinabukasan ng umaga, masakit ang ulo at may sipon dahilan para maging hirap siya sa paghinga.
Napansin ito ni Zhao Meng at hindi niya maiwasan mag-alala para kay Qiao Anhao, kaya sinabi niya, "Masama ang pakiramdam mo dahil sa sipon. Hindi mo kaya magtrabaho ngayon. Tatawagan ko ang direktor para ipagpaliban ang mga eksena mo."
Tumangi si Qiao Anhao at sinabi, "Hindi pwede, hindi nila gusto na ako yung female lead. Unang araw ko sa shooting siguradong maraming ang naka tuktok ang atensyon nila sa akin dahil sa sinabi ni Lu Jinnian ng gabi salu-salo, na nakuha ko ang role dahil sa kakayahan ko sa pag-arte. Pagsinabi ko na ipagpaliban ang mga eksena ko dahil sa aking sipon. Maaring nilang sabihin na umatras ako o baguhan palang ako nagiinarte na ko. Puwede din nila akong pagbintangan na sinasadya kong pabagalin ang filming."
-
Uminom ng mainit na tubig si Qiao Anhao bago lumbas para bumuti ang kanyang pakiramdam at pumunta sa makeup room nang magsimulang sumakit ang ulo niya.
Sa simula kaya niya ang sakit ng kanyang ulo, nang magtagal lalo siyang nahilo habang siya ay inaayusan sa makeup room.
Konti ang mga taong may shoot kaya halos lahat ng upuan ay ginagamit. Matapos tignan ni Lu Jinnian ang buong kuwarto. Pumunta si Lu Jinnian sa bakanteng upuan sa likod ni Qiao Anhao.
Hindi napansin ni Qiao Anhao na dumating si Lu Jinnian. Hanggang sa itapat ng makeup artist ang salamin sa kanya. Nakita niya si Lu Jinnian, nakupo sa bandang likuran at nakatingin sa salamin. Nagkataon nang tumingin si Qiao Anhao ay tumingin din si Lu Jinnian.
Nagulat si Qiao Anhao at agad nagbaba ng tingin nang makita siya ni Lu Jinnian. Naalala niya agad ang nangyari kagabi. Kaya habang inaayusan hindi gumalaw si Qiao Anhao.
Natapos ang makeup ni Qiao Anhao at tatayo na siya para pumunta sa set.
Nang tumayo si Qiao Anhao ay biglang napaupo ulit ito sa kanyang upuan. Hindi malaman kung dahil ito sa biglang pag-tayo o dahil sa kanyang sipon.
Nag-alala si Zhao Meng at sinabi, "Qiao Qiao, sigurado ka bang kaya mo? Wala ka sa tamang kondisyon ngayon. Kung sabihin ko na sa direktor at magpatingin ka na sa doktor?
Naisip niya na kahit konti ang shoot. Ang buong cast at crew ay nandito. Ang dahilan para makita siyang umarte.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES