Maraming nagsasabi na masakit ang una ng isang babae, pero para kay Qiao Anhao ay nagpagtiisan niya ang sakit. Marahil, dahil ang una ay lasing siya or dahil mahal niya si Lu Jinnian. Nang gabi iyon ay maingat ito sa kanya, kahit nasakatan siya ramdam niya ang saya.
Ngunit, ngayon pakiramdam niya parang mamatay siya sa sakit.
Walang saya at pagka-sabik tanging matinding sakit.
Oo, parusa.
Pakiramdam niya ito ay isang parusa pero daan ito upang maglabas ng sama ng loob si Lu Jinnian. Bawat galaw nito ay para saktan siya.
Para sa kanya nasasaktan siya hindi lang pisikal pati sa puso.
Pinagsisihan na ni Qiao Anhao ang personal na dalhin kay Lu Jinnian ang script. Dapat si Zhao Meng nalang ang pinapunta niya. Dapat nakinig siya sa usapan ng dalawang assistants nang narinig niyang hindi maganda ang mood ni Lu Jinnian. Dapat bumalik nalang siya. Hindi na dapat siya pumunta. Alam niya na hindi siya gusto nito. Ang totoo kinamumuhian siya nito pero eto siya pumunta sa kuwarto niya para i-alay ang sarili para ilabas ang galit.
Maaring may dalawa ito katauhan: Ang una ay ang nasa tama itong pag-iisip at ang pangalawa ang tuwing kasama siya nito. Marahil ang unang 2 beses ay maligaya siya dahil: lasing ito at nagdedeliryo dahil sa lagnat.
Paano ba niya nakalimutan ang sinabi nito sa kanya?, "Gusto mong makipaglaro sa akin? Sige, pagbibigyan kita at naninigurado akong sisirain kita!"
Kaya paano ito magiging malumanay sa kanya?
Iniisip ito ni Qiao Anhao at hindi niya maiwasan na ma-luha.
-
Matapos ng mahabang panahon, huminahon na ang lahat.
Nanghihina si Qiao Anhao habang naka higa sa sahig ng banyo.
Tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at kita ang takot sa kanya. Pinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at tumalikod, kita saglit sa mata niya ang lungkot at sakit. Matapos ay bumalik ito sa cold, walang emosyon at distant na sarili.
Pinatay niya ang shower, binalot ang sarili ng tuwalya at umalis ng banyo.
Tahimik ang buong banyo at naiwan naka bukas ang pinto. Nakahiga si Qiao Anhao sa malamig na sahig, rinig niya ang tunog ng damit na sinusuot at siya ay nahihilo kaya nawalan siya ng malay.
Naka damit na si Lu Jinnian kinuha niya ang wallet, telepono at susi ng kanyang kotse. Paalis na siya ng madaan siya sa pintuan ng banyo. Balak sana niyang silipin ang banyo pero hindi niya tinuloy. Diretso siyang umalis.
Matapos mawalan ng malay, nagising si Qiao Anhao sa malamig at napaka-tahimik na lugar. Naalala niya nasa banyo siya ni Lu Jinnian.
Ika-ika siyang tumayo palabas ng banyo dahil sa sakit ng kanyang buong katawan. Nang maka-labas nalaman niya na walang tao ang presidential suite at wala si Lu Jinnian.
Tumingin si Qiao Anhao sa orasan at pasado 1am na ng madaling araw.
Nakalimutan niyang dalhin ang kanyang telepono, kaya hindi niya alam kung gaano siya katagal nawala, sinabi na kaya ito ni Zhao Meng sa crew?
Kinuha niya agad ang telepono at tumawag sa kanilang kuwarto ni Zhao Meng at sinagot naman ito agad.
Maikli ang sinabi ni Qiao Anhao, "Hey…"
Nababahala si Zhao Meng sa kabilang linya, "Qiao Qiao, saan ka nagpunta?"
Hindi ito sinagot ni Qiao Anhao pero inutusan niya ito, "Pumunta ka sa 1001 magdala ka ng damit."
Matapos ng tawag. Nagdala agad ng damit si Zhao Meng saka ito nagpunta. Marami itong tanong kay Qiao Anhao kung bakit ito na 1001 pero nang makita niya ang maputlang itsura nito at katawan na puno ng pasa. Hindi niya ito magawang sabihin.
Walang nakakita sa kanila pabalik ng kuwarto dahil malalim na ang gabi at may filming kinabukasan.
Nakarating sila sa kanilang kuwarto saka nagtanong si Zhao Meng, "Qiao Qiao, Si Lu Jinnian ba?"
Hindi sinagot ni Qiao Anhao ang tanong, "Hindi mo pinaalam sa crew ang pagkawala ko?"
"Hindi." sabi ni Zhao Meng. Magtatanong uli sana ito pero sinabi ni Qiao Anhao, "Gusto kong maligo."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Zhao Meng at diretso siya sa banyo.
Matapos maligo hindi pa tulog si Zhao Meng. Nakatingin ito kay Qiao Anhao, kita ang sakit sa ekspresyon nito,"Qiao Qiao…"
"Gabi na Zhao Meng at ayos lang ako. Tara matulog na tayo," Agad na sinabi ni Qiao Anhao kay Zhao Meng.
May gusto sabihin si Zhao Meng pero dinaan niya nalang ito sa pagbugtong hininga at umakyat sa kanyang kama.
Pumunta sa kama si Qiao Anhao at pinatay ang ilaw, tinakluban niya ang sarili ng kumot at tahimik na umiyak.
---
Dahil sa paliligo ni Qiao Anhao kagabi at ang matagal na paghiga sa sahig ng banyo. Kinabukasan ng umaga, masakit ang ulo at may sipon dahilan para maging hirap siya sa paghinga.
Napansin ito ni Zhao Meng at hindi niya maiwasan mag-alala para kay Qiao Anhao, kaya sinabi niya, "Masama ang pakiramdam mo dahil sa sipon. Hindi mo kaya magtrabaho ngayon. Tatawagan ko ang direktor para ipagpaliban ang mga eksena mo."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES