Pakiramdam ni Qiao Anhao na ito ang pagkain na hirap siyang kainin.
Binaba niya agad ang chopsticks ng umalis ang direktor, si Song Xiangsi at si Cheng Yang. tiniis niya ito hanggang matapos sila sa pagkain.
Aalis na dapat siya ng tinanong siya ni producer Sun, "Xiao Qiao, maliban sa filming may endorsement jobs ka ba?"
Umiling muna siya saka sumagot, "Wala."
"Ang kakilala ko nagma-manage sa European cosmetics brand sa Asia. Naghahanap sila ng bagong modelo at nagtatanong kung sino ang i-rerekomenda ko. Gusto sana kitang i-rekomenda, tingin ko sa itsura mo naman at personalidad, bagay ka sa role.
Humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa chopsticks.
Nang marinig ito ni Qiao Anhao gusto niyang tanggihan ito dahil hindi sila close ni producer Sun, "Mr. Sun, baguhan palang ako at hindi sikat kaya sa tingin ko hindi ako bagay sa role."
"Bakit hindi mo kaya? Rekomendasyon lang yun, walang kasiguraduhang makakapasok ka. Kung may oras ka ipapakilala kita at kung magustuhan ka nila, maari ka nilang kunin."
Tumango si Qiao Anhao dahil hindi maganda kung tatangihan niya ito, "Sige, Maraming salamat Mr. Sun."
Napansin ni producer Sun ang pagkasuklam ni Lu Jinnian, matapos magsalita si Qiao Anhao.
Nang binaba ni Lu Jinnian ang chopsticks sa lamesa. Kaya naka ngiti niya itong tinanong, "Hindi niyo ba gusto ang pagkain, Mr. Lu."
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian at pinahid ang bibig ng napkin saka binaba ito. Tinignan niya ng masama si producer Sun at sinabi, "Mr. Sun, gusto sana kitang makausap, libre ka ba?"
"Oo, Oo naman may oras ako."
Agad na binaba ni producer Sun ang chopsticks at kinuha ang suit jacket. Tumayo at pumunta kay Qiao Anhao. Tinapik niya ang balikat at sinabi, "Huwag kang magmadali Xiao Qiao, mauna lang kami ni Lu Jinnian."
Sleeveless ang damit ni Qiao Anhao kaya na hawakan ni producer Sun ang balikat niya.
Tumayo agad si Lu Jinnian. Ngunit, kita ang matalas na kislap sa mga mata nito. Aabutin niya sana ang script pero tumigil siya saka umalis.
Agad sumunod si producer Sun matapos umalis ni Lu Jinnian.
Matapos ang kainan, pakiramdam ni Qiao Anhao ay nakalaya siya, kaya nakahinga siya ng maluwag.
Paalis na siya ng tinawag siya ng serbidor, "Paumanhin, maari bang maghintay kayo sandali?"
Dala ng serbidor ang script ng lumingon si Qiao Anhao.
"Miss, sayo ba ito?"
Umiling si Qiao Anhao dahil hindi niya dala ang script ng nagpunta siya.
"Marahil isa ito sa miyembro ng filming crew, maari bang paki-bigay?"
Kinuha ito ni Qiao Anhao ang script.
"Maraming salamat" sabi ng serbidor saka umalis.
Apat silang aktor na naghapunan at ang kasama niya ay sina Lu Jinnian, Song Xiangsi at Cheng Yang. Kung hindi sa kanya ang script. Maaring ang may-ari nito ay isa sa kanilang tatlo.
Binuklat ni Qiao Anhao ang script para makita kung sino ang may-ari nito at nakita niya sa unang page ang pamilyar na tatlong salita at sulat-kamay, "Lu Jinnian."
Lumakas ang tibok ng puso ni Qiao Anhao at ramdam niya ito sa buong katawan.
Inilapag niya ang script sa mesa ng makarating siya sa kuwarto. Pinag-iisipan niya kung kailan niya ito ibibigay kay Lu Jinnian.
Gusto niya ibalik ito bukas ng umaga pero marami ang gagawin na eksena ni Lu Jinnian bukas. Paano kung kailangan niya i-memorize ang lines?
Maari naman niyang ipasa ito sa hotel worker o kay Zhang Meng para ibigay kay Lu Jinnian. Ngunit, ayaw niyang gawin ito.
Nag-isip-isip si Qiao Anhao sandali bago tumawag kay Lu Jinnian.
Hindi nabigayan si Qiao Anhao makapag-salita ng sinabi nito, "Bakit?"
Nag-uusap si Lu Jinnian at Qiao Anhao sa telepono pero ramdam niya na hindi maganda ang kalagayan nito.
"Naiwan mo yung script sa dining hall."
Natahimik ng limang segundo si Lu Jinnian saka sinabi ang room number "1001" kay Qiao Anhao saka binaba ang telepono
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES