Walang sapat na kuwarto sa lahat ng crew tanging ang mga sikat na aktor lang ang may sariling kuwarto. Ang iba ay kasama ang kanilang managers.
Pumunta si Qiao Anhao at Zhao Meng sa 3rd floor para mag-hapunan, matapos nilang mag-pahinga. Kumuha sila ng plato at kumuha ng pagkain sa buffet saka naghanap ng upuan. Saktong nakita nila si producer Sun at kumaway ito kay Qiao Anhao.
"Xiao Qiao, maupo ka dito! Pag-usapan natin ang filming para bukas."
Ang lamesa na kinauupuan ni producer Sun ay may 6 na upuan. Ang 5 ay gamit ng direktor, ang male lead si Cheng Yang, Song Xiangsi at Lu Jinnian. Ang naiwang upuan ay hindi sinasadya sa tabi ni Lu Jinnian.
Nagdadalawang-isip si Qiao Anhao kung pupunta ito. Kinausap siya ulit ni producer Sun saka siya tumingin kay Lu Jinnian. Maingat naupo si Qiao Anhao dahil hindi siya binigyang pansin ng asawa at kumain lang ito.
Nagpapaliwanag ng importanteng eksena ang direktor ng umupo si Qiao Anhao kaya tumango ito sa kanya bilang pagbati saka ito nagpatuloy.
Lahat ay nakikinig sa direktor maging si Qiao Anhao ay hindi ginalaw ang kanyang chopsticks upang makinig sa direktor. Si Lu Jinnian lang ang kumakain, tila walang nangyayari.
Ginawang maikli ito ng direktor para makakain ang lahat. .
Nakaupo sa harapan ni Qiao Anhao si producer Sun, ngumiti ito bago nagtanong sa kanya, "Xiao Qiao, kabisado mo na ba ang lines mo para bukas?"
"Opo, kabisado ko na." Nakangiting sagot ni Qiao Anhao.
"Ito lang ang kakainin mo?" tanong ni Producer Sun ng makita ang plato niya.
"Mahirap ang filming, dapat kumain ka pa," pangaral ni producer Sun saka tinawag ang serbidor. "Isa pang set ng abalone rice at steak."
Napatigil sa pagnguya si Lu Jinnian saglit saka nagpatuloy ito ng walang bakas ng emosyon sa mukha niya.
Katabi ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at napansin niya na hindi maganda ang awra nito. Naging mas pormal siyang kumilos dahil sa kaba. Gayumpaman, nanatili ang ngiti sa labi niya habang kausap si producer Sun.
Pakiramdam ni Qiao Anhao na ito ang pagkain na hirap siyang kainin.
Binaba niya agad ang chopsticks ng umalis ang direktor, si Song Xiangsi at si Cheng Yang. tiniis niya ito hanggang matapos sila sa pagkain.
Aalis na dapat siya ng tinanong siya ni producer Sun, "Xiao Qiao, maliban sa filming may endorsement jobs ka ba?"
Umiling muna siya saka sumagot, "Wala."
"Ang kakilala ko nagma-manage sa European cosmetics brand sa Asia. Naghahanap sila ng bagong modelo at nagtatanong kung sino ang i-rerekomenda ko. Gusto sana kitang i-rekomenda, tingin ko sa itsura mo naman at personalidad, bagay ka sa role.
Humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa chopsticks.
Nang marinig ito ni Qiao Anhao gusto niyang tanggihan ito dahil hindi sila close ni producer Sun, "Mr. Sun, baguhan palang ako at hindi sikat kaya sa tingin ko hindi ako bagay sa role."
"Bakit hindi mo kaya? Rekomendasyon lang yun, walang kasiguraduhang makakapasok ka. Kung may oras ka ipapakilala kita at kung magustuhan ka nila, maari ka nilang kunin."
Tumango si Qiao Anhao dahil hindi maganda kung tatangihan niya ito, "Sige, Maraming salamat Mr. Sun."
Napansin ni producer Sun ang pagkasuklam ni Lu Jinnian, matapos magsalita si Qiao Anhao.
Nang binaba ni Lu Jinnian ang chopsticks sa lamesa. Kaya naka ngiti niya itong tinanong, "Hindi niyo ba gusto ang pagkain, Mr. Lu."
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian at pinahid ang bibig ng napkin saka binaba ito. Tinignan niya ng masama si producer Sun at sinabi, "Mr. Sun, gusto sana kitang makausap, libre ka ba?"
"Oo, Oo naman may oras ako."
Agad na binaba ni producer Sun ang chopsticks at kinuha ang suit jacket. Tumayo at pumunta kay Qiao Anhao. Tinapik niya ang balikat at sinabi, "Huwag kang magmadali Xiao Qiao, mauna lang kami ni Lu Jinnian."
Sleeveless ang damit ni Qiao Anhao kaya na hawakan ni producer Sun ang balikat niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES