Nagusap pa ng kaunti sina Qiao Anhao at si producer Sun. Kinuha nito ang kanyang contact number para kung sakaling may produksyon itong gagawin na nababagay sa kanya sa hinaharap.
Hindi nagduda si Qiao Anhao ng binigay niya ito.
Tinabi ni producer Sun ang kanyang telepono matapos magpalitan sila ng numero. "Sige, Mauna na ko Xiao Qiao at may gagawin pa ko"
Binukasan ni Qiao Anhao ang pinto ng kotse para kay producer Sun. Nang nasa loob na ito ng kotse ay sinara niya ang pintuan at nagpaalam "Paalam Mr. Sun."
Nagpaalam si producer Sun at tuluyang umalis.
Malayo na ang kotse ay nakangiti parin si Qiao Anhao saka lang niya napansin na hindi pa nakabalik si Zhao Meng. kinuha niya ang telepono at tinawagan ito ngunit kahit tumingin siya sa kanyang paligid hindi niya ito makita.
Patawag na siya sa telepono ng makita niya na papalapit sa kanya si Lu Jinnian kaya hindi niya naiwasan na hindi yumuko.
Akala niya ay hindi siya nito papansinin at dadaan lang siya. Ngunit, iba ang nangyari tumigil ito sa kanyang harapan.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nababahalang nakatingin kay Lu Jinnian.
Mahinahon lang ito at nakatingin lang sa kanyang telepono ng walang anumang emosyon.
Sanay na si Qiao Anhao sa gantong paguugali ni Lu Jinnian pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito mariing nakatingin sa kanyang telepono.
Nakatingin si Lu Jinnian sa teleponong hawak ni Qiao Anhao dahil dito humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sa kanyang telepono kaya naman nagsalita siya para hindi siya mahiya.
"Err, Salamat sa tulong mo kanina."
Masaya si Qiao Anhao ng tinulungan siya ni Lu Jinnian sa kanyang sitwasyon kanina. Pakiramdam niya ay parang namukadkad ang kanyang puso sa tuwa. Kahit isang oras na ang lumipas. Nabubuhayan ang kanyang puso sa tuwing naalala niya ito.
Tinulungan siya nito, ibig sabihin ba nito ay hindi siya ganong kinamumuhian nito?
Lumipat ang tingin ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao ng marinig ang sinabi nito.
Nagmukhang masiyahin at mabait si Qiao Anhao nang mailawan ng street lights ang kanyang malaporselanang balat.
"Masyado kang nag-iisip," walang kabuhay-buhay na sinabi ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao. Nang maalala nito ang imahe ni Qiao Anhao at producer Sun na tila nagkapalagayan ng loob.
Masyadong nag-iisip? Nagulat si Qiao Anhao sa sinabi nito.
Ngumiti ng sardonic si Lu Jinnian at nagsalita "Hindi kita tinulungan. Ayoko lang na magkaroon ng masamang reputasyon dahil sayo lalo na ang isang baguhang tulad mo ay kasama ko umarte bilang second female lead sa isang T.V series"
Nanginginig ang labi ni Qiao Anhao, habang nakayuko at tinago ang kanyang sama ng loob. Nagkamali siya sa pag-aakalang tinulungan siya nito. Ayaw lang pala nito na magkaroon ng gulo.
Umalis si Lu Jinnian matapos tignan si Qiao Anhao.
Nagising sa pagkatulala si Qiao Anhao ng bumusina si Zhao Meng dala ang kotse. Matapos na umalis ni Lu Jinnian.
Nang makapasok na si Qiao Anhao sa kotse ay nagpaliwanag si Zhao Meng kung bakit ito natagalan. "Nagkaroon ng aksidente sa daan kaya natagalan ako ng 30 mins."
"Hindi ko inaasahang gagawin ni Lu Jinnian ang tulungan ka, Qiao Qiao" Tinignan ni Zhao Meng si Qiao Anhao sa back mirror. Ngunit nanatiling tahimik si Qiao Anhao at nakatingin lang sa bintana ng kotse.
Nagtitiimbangang si Qiao Anhao at pinikit ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ni Zhao Meng.
"Kini-kilala parin siguro ni Lu Jinnian ang pinagsamahan ninyo sa loob ng maraming taon, sabagay, wala lang sa kanya ang magbitiw ng ilang salita" pagpapatuloy ni Zhao Meng.
Masyado siyang naging tanga para sa ilang salita nito. Wala itong intensyon na tulungan siya para sa kanilang pinagsamahan. Inaalala lang nito na magkaroon ng tsismis.
Paano nga ba niya nakalimutan nang sabihan siya nito: sino man ang magustuhan niya, siguradong hindi siya iyon
Siniko ni Zhao Meng si Qiao Anhao ng mapansin nito na hindi ito nagsasalita. "Anong problema?"
"Wala." Takot siya na makita ni Zhao Meng na siya ay umiiyak kaya naman pinikit niya lang ang kanyang mga mata. "Pagod lang ako dahil sa alak"
"Sige, tulog ka na saka nalang kita gigisingin kung nakarating na tayo sa bahay mo."
Tumango lang si Qiao Anhao at natulog na ito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES