App herunterladen
3.39% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 33: Opisyal na Kasali sa Crew (5)

Kapitel 33: Opisyal na Kasali sa Crew (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit si Qiao Anhao ay hindi maitago ang kanyang pananabik.

Sa pelikulang ito, ang second female lead at second male lead ang may pinaka maraming eksena, pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang ideya kung sino ang katambal niya…

Nais ipahayag ng producer ang sagot nang makita niyang interesado ang lahat na malaman kung sino ang second male lead, nang biglang nagbukas ang pintuan ng banquet hall. Napalingon ang lahat dito samantalang si producer Sun naman ay dali-daling tumayo at papalapit sa dumating.

Dahil sa kanyang mga kinikilos, ang lahat ay sinundan siya ng tingin.

Nakangiting bumati si producer Sun, "Mr. Lu sa wakas ay nandito ka na! Halika't maupo ka."

Katulad ng iba, sinilip din ni Qiao Anhao ang pintuan. Sa kalagitnaan ng kanyang paglingon, saka lang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni producer Sun. Kumabog ang puso niya, at bago pa man niya tuluyang maintindihan ang sinasabi nito, ay nakita niya si Lu Jinnian.

Naririnig ni Qiao Anhao ang pagkagulat ng lahat at pagtataka ng iba.

"Ang 'King of Movies' ang second male lead?"

"Kaya naman pala nila tinago! Napakalaking balita nito! Sigurado akong magkakagulo sa 'Weibo' nito!".

Kahit nagsimula si Lu Jinnian bilang isang aktor, at siya ngayon ang CEO ng Huan Ying Entertainment.

At halos 90% ng mga artistang na naririto ay nasa pangangalaga ng Huan Ying Entertainment at si Lu Jinnian ang main investor ng 'Alluring Times'.

Napatayo ang lahat sa pangunguna ni producer Sun. Hindi na nakakapagtaka kung bakit hinintay siya ng mga ito bago mag-order ng pagkain.

Si Qiao Anhao lang ang naiwang nakaupo dahil sa hindi pa niya lubos na maintidihan ang mga nangyayari. Kinakailangan na tapikin at hatakin siya ni Zhao Meng dahil sa mukhang parang nawawala siya sa sarili.

Kagaya ng nakasanayan, walang emosyon ang makikita sa mukha ni Lu Jinnian. Hindi niya rin binati ang mga taong tumayo nang makita siya. Diretso itong naglakad papunta sa isang bakanteng upuan at naupo. Sanay na ang mga naka trabaho ni Lu Jinnian sa ugali nito.

Nang makita ng producer na nakahanap na ito ng mau-upuan saka lamang ito naupong muli.

Tinawag niya ang naghahanda para sa menu at personal na ibinigay ito kay Lu Jinnian, "Mr. Lu, anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano", tanging sagot ni Lu Jinnian na hindi man lang tumingin sa kanya.

Hindi matinag ang ngiti ng producer sa pagsagot nito. Nakangiti niyang binuksan ang menu at pinili ang pinakamahal na putahe sa listahan bago papiliin ang iba.

Sa harap ng CEO ng Huan Ying Entertainment walang kahit na sino ang nagtangka na kumuha ng makakain. Magalang nilang tinanggihan ang naghahanda ng i-abot sa kanila ang menu.


Kapitel 34: Opisyal na Kasali sa Crew (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tanging si Song Xiangsi lang ang kumuha sa menu at umorder ng dalawang paborito niyang pagkain.

Nang makabalik na si Qiao Anhao sa kanyang sarili tumanggi siya serbidor senyales na hindi niya gusto umorder bago binigyan ito nang bahagyang ngiti nang binalik nito ang menu sa serbidor.

Matapos umalis ng serbidor dala ang menu nakita ni Qiao Ahao na nasa harapan niya si Lu Jinnian.

Kahit hindi ganoong kaliwanag sa banquet hall may liwanag parin tumatama sa mukha ni Lu Jinnian na para bang napakalayo nito. Katabi ni Lu Jinnian ang direktong ng 'Alluring Times' at tila may sinasabi ito sa kanya kaya bahagya itong tumango at patuloy itong nakikinig.

Tila naramdaman ni Lu Jinnian na may nakatingin sa kanya kaya naman agad ito tumingin sa kanya. Kaya agad na lumingon si Qiao Anhao kay Zhao Meng at nagpanggap na kausap niya ito.

Hindi na nagtangka pang ulit tumingin si Qiao Anhao dahil sa kamuntikan na siyang mahuli nito.

Sa mga gantong mga hapunan siguradong may alak na kasama.

Dahil sa presensya ni Lu Jinnian umorder si producer Sun nang dalawang bote ng royal salute whiskey. Punong baso ang nilagay na serbidor ng whiskey para sa lahat at nakapag-refill pa ng halos dalawa hanggang tatlong beses bago naging tuluyang sumaya ang lahat.

Lumapit ang iba kay Lu Jinnian para batiin siya at bahagya naman siyang tatango, ang iba naman ay naki-tagay sa kanya at tinataas lang nito ang kanyang baso pero na natili itong tahimik. Nagbigay ito ng impresyon na parang galing ito sa ibang mundo.

Sa gantong mga salu-salo ang lahat ay gusto makipag-ugnayan ngunit dahil nandito si Lu Jinnian nanatili sa isang tabi si Qiao Anhao hindi ito katulad ng ibang actor na nakikipagusap sa producer o sa direktor. Sa tuwing may lumalapit lang sa kanya ay saka lang siya makikipag-usap at ngingiti.

Si Song Xiangsi naman ay iba kay Qiao Anhao ay nasa isang tabi lang. Tila siya ay nandito lamang upang mag-hapunan. Kumakain siya gamit ang kanyang chopsticks habang siya ay nakaupo ng marangal at elegante, paminsan-minsan uminom ng tubig

Nasa kallagitnaan na ng salu-salo, nang biglang may maalala ang producer na katabi ni Qiao Anhao. Tinawag niya si Qiao Anhao ng makita niya ito, "Muntik ko nang makalimutan, halos lahat tayong nandito ay nagkatrabaho na o pamilyar sa isa't isa. At ngayon gusto ko sana ipakilala sa inyo ang second female lead...Gusto sana ng producer sabihin ang pangalan niya ngunit nakalimutan niya surname nito. Tinignan niya si Qiao Anhao. "Bakit hindi mo ipakilala ang iyong sarili sa lahat."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C33
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES