App herunterladen
3.08% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 30: Opisyal na Kasali sa Crew (2)

Kapitel 30: Opisyal na Kasali sa Crew (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit hindi nakumpleto ni Lu Jinnian ang sasabihin nito, sigurado si Qiao Anhao na hindi maganda ang sasabihin nito.

Sinusubukan niyang alamin ang mga kilos ni Lu Jinnian sa loob ng mga nakaraang araw. Ito ang nagtanong sa kanya kung anong klaseng gantimpala ang gusto niya, pero nang sumunod naman siya na gamitin ang kanyang katawan bilang instrumento para sa transaksyon, bigla naman itong magalit at gusto siyang sakalin, kahit ibato siya palabas ng mansyon.

Matapos ang tawag nito, naintindihan niya ang galit nito...ang akala nito siguro ay labis-labis ang halaga ng kanyang katawan.

Dapat naisip niya ito ng mas maaga, bakit nga ba hindi?

Wala siyang intensyon na matulog kasama siya, mula sa simula. Bakit nito sinabi na napakahalaga ang katawan nito bilang second lead sa 'Alluring Times'?

Kung wala sigurong lagnat ito, hindi siguro nito hahawakan siya… tama?

Siya lang siguro ang babae sa mundo na kinamumuhiang nitong kasama matulog…

Katulad nito, siya lang siguro ang asawa sa mundo na nalaman ang numero ng telepono ng kanyang asawa pagkatapos ng limang buwan na kasal.

Ang mga labi niya ay bahagyang ngumiti. Ngumiti siya ng hindi maganda sa sarili, kalungkutan ang bumabalot sa kanyang mga mata.

Ang 'Alluring Times' ay isang lubos na inaasahang palabas na ginastusan ng Huan Ying Entertainment ng mga dalawangpung milyon. Matapos ang paghahanda ng dalawang taon, kahit ang internasyonal acclaimed na production ang filming crew ay makakasama dito.

Ang gantong pamamaraan ay kayang makakuha ng maraming attensyon bago pa man ito magsimula, blazing up on weibo. Ang pelikula ay puno ng kilalang artista maliban kay Qiao Anhao. Kahit ang small side role ay nationally acknowledge famous second lead.

Sa unang araw, may simpleng seremoniyang naganap. Lahat ng aktor ay presenta maliban sa second male lead.

Ang opisyal na shooting ay nagsimula ng second day at ang first day ay sadyang para sa pagbubukas na sermonya. Ang lahat ng crew sa 'Alluring Times' ay imbitado sa hapunan para makilala nila ang isa't isa bago magsimula ang aktuwal shooting.

Nang makarating si Qiao Anhao, ang banquet hall ay puno na.

Gumawa siya ng research sa lahat ng myembro ng crew bago nagsimula ang pelikula. Kaya kilala niya ang bawat crew at actors na kasama sa pelikula.

Lahat sila ay nakapasok na sa industriya matagal bago pa man siya pumasok, kaya kailangan niyang maging mabait, batiin sila isa-isa. Ang producer ng 'Alluring Times' ay nakaupo sa harap na hilera. Makikipagkamay na sana si Qiao Anhao sa kanya ng may tumalo sa kanya at inabot ang kamay nito kasabay ng pagbati nito, "Mr. Sun, long time no see."


Kapitel 31: Opisyal na Kasali sa Crew (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Isang magandang boses ng babae ang narinig niya galing sa harapan niya.

Hindi namalayan ni Qiao Anhao na lumingon ang kanyang ulo. Katabi niya si Lin Shiyi na nakangiti habang nakikipag-kamay kay producer Sun.

"Shiyi, matagal na nang huli nating pelikula," sagot nito.

"Sana maging magandang working experience ito," sagot ni Lin Shiyi.

Habang binabati ni Lin Shiyi ang producer, may naalala si Zhao Meng. Lumapit ito kay Qiao Anhao at bumulong, "Qiao Qiao, si Lin Shiyi ang orihinal na second female lead para sa pelikulang ito nang ikaw bigla ang naging second female lead napunta siya sa third female lead. Siya ang tao na umaalala ng sama ng loob at siya siya ay isang magpakunwaring tao, lalo na sa harap ng producer at ng director, dapat tandaan mo yan…"

Bago matapos ni Zhao Meng ang kanyang sasabihin ay lumingon si Lin Shiyi. Agad na tumahimik si Zhao Meng, nagbigay ito ng ngiti kay Lin Shiyi. Katulad nito, ngumiti ito sa kanya pero ang mga salita nito ay direkta kay Qiao Anhao, "An Hao, Long time no see."

Kilala ni Qiao Anhao si Lin Shiyi. Siya ay isang artista ng Huan Ying Entertainment at pinakamabilis na umabante sa lahat. Kahit parehas silang nang galing sa isang kompanya, Hindi sila masyado nagkausap ni Qiao Anhao mas lalo na ang magkasalamuha silang dalawa ni Lin Shiyi. At si Lin Shiyi ay laging naging mapagmataas, hindi ito nagkaroon ng interes na makipagusap kay Qiao Anhao.

Binati ni Lin Shiyi si Qiao Anhao ng may maayang at madamdaming ekspresyon na tila sila ay matagal ng magkakilala. Hindi maiwasan na mangliit ni Qiao Anhao sa sinabi nito. Naalala niya ang mga salitang sinabi ni Zhao Meng, nalaman siguro ni Lin Shiyi na si Qiao Anhao ang kumuha ng role sa kanya. Kaya kahit ayaw niya ito ay kailangan niyang umarte na tila magkakilala sila. Mahirap ito para sa kanya.

Kung kayang magpanggap ni Lin Shiyi ay kaya din ito ni Qiao Anhao. Sa kabila nito ayaw nilang mag-iwan ng hindi magandang impresyon sa harap ng producer.

Ngumiti si Qiao Anhao ng maganda, na tila malapit silang magkaibigan ni Lin Shiyi. Kasama ng maayang at malugod nitong boses, sinabi niya, "Shiyi, gumanda ka ng huli kitang makita!"

Alam ni Lin Shiyi ang aktong ginagawa ni Qiao Anhao habang binati niya ito ng may maayang ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi, ikaw kaya ang gumanda."

Tumingin si Shiyi kay producer Sun, saka pinakilala si Qiao Anhao dito. "Producer Sun, ito si Qiao Anhao, ang second female lead. Kahit kakapasok niya palang sa industriya, ang kanyang pag-arte ay matatag."

Alam ni Qiao Anhao na ang ganitong pagpapakila ay para maipakita kay producer Sun ang kanyang kabutihang-loob para sa isang baguhan. At sa kanyang husay sa pag-arte… hindi pa nakikita ni Lin Shiyi na umarte ito paano niya malalaman ito...


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C30
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES