App herunterladen
2.98% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 29: Opisyal ng Kasali sa Crew (1)

Kapitel 29: Opisyal ng Kasali sa Crew (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nagmaneho si Qiao Anhao deretso papunta ng Mian Xiu Garden pagkatapos niyang umalis sa mansion ni Lu Jinnian. Nanatili siya sa mansyon ng apat na araw dahil wala siyang trabaho. Makalipas ang apat na araw hindi dumalaw si Lu Jinnian kahit isang beses.

Mahaba ang idlip ni Qiao Anhao nug hapon kaya nagising ito ng gabi. Nagpapalit-palit siya ng pwesto pero bigo siyang makatulog. Kinuha niya ang telepono at nakita niya malapit ng mag alas dose ng gabi. Napalingon siya sa kabilang bahagi ng kama. Naisip niya, 'Hindi na siguro siya babalik ngayong gabi.'

Mababahala siya kung babalik ito pero malulungkot siya kung hindi ito uuwi.

Inalis ni Qiao Anhao ang kumot niya saka umalis ng kama. Naglakad siya sa balkonahe, tumingin siya sa gabi, kita ang lungkot na bumabalot sa kanyang mukha.

Pumunta si Qiao Anhao sa balkonahe matapos niyang alisin ang kumot.

Sa kanyang puso, hindi niya siguro naisip na siya ang asawa nito...Sa lumipas na limang buwan, lagi siyang naiwang mag isa sa kanyang kwarto.

Nagtagal pa siya ng konti hanggang sa tumunog ang kanyang telepono.

Bumalik siya sa kwarto, hinanap ang kanyang telepono at nakita niya ang hindi pamilyar na mga numero.

Sino kaya ang tatawag ng gantong kalalim ang gabi.

Nagdadalawang isip siyang sagutin bago sinagot ng malumanay at nagtanong, "Hello, Sino ito?"

Hindi pinansin ng caller ang kanyang tanong, direktang sinabi, "Sa susunod na linggo, ay opisyal ka nang kasali sa crew ng 'Alluring Times' as the second female lead."

Humigpit ang hawak niya sa telepono nang oras na marinig niya ito. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ni Lu Jinnian ng personal sa kanya. Huminga siya ng malalim at kalmado sinabi, "Naiintindihan ko. Salamat sayo… Lu…" sasabihin na sana ni Qiao Anhao ang full name niya pero tumigil siya at itinama ito, "Mr. Lu."

Ang kanyang mga sinabi ay parang pumasok sa dagat, na wala itong pagkakataong makasagot.

Kung walang buzzing na tunog galing sa telepono, iisipin niya na binaba na ni Lu Jinnian ang telepono.

Matapos ng ilang sandali, Nagsimulang mag-isip si Qiao Anhao kung nakalimutan ba nito ibaba ang telepono at nagsimulang magisip kung ibaba niya ba ang telepono o hindi hanggang sa marinig niya ang walang emosyong boses ni Lu Jinnian.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Miss Qiao iyon ang kapalit ng katawan mo. Pero sa tingin ko, ang katawan mo Miss Qiao ay sadyang mahalaga para makakuha ng second female lead sa 'Alluring Times'..."

Mukhang may sasabihin pa sana si Lu Jinnian pero tumigil ito at matapos ng dalawang segundo ay namatay na ang linya.


Kapitel 30: Opisyal na Kasali sa Crew (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kahit hindi nakumpleto ni Lu Jinnian ang sasabihin nito, sigurado si Qiao Anhao na hindi maganda ang sasabihin nito.

Sinusubukan niyang alamin ang mga kilos ni Lu Jinnian sa loob ng mga nakaraang araw. Ito ang nagtanong sa kanya kung anong klaseng gantimpala ang gusto niya, pero nang sumunod naman siya na gamitin ang kanyang katawan bilang instrumento para sa transaksyon, bigla naman itong magalit at gusto siyang sakalin, kahit ibato siya palabas ng mansyon.

Matapos ang tawag nito, naintindihan niya ang galit nito...ang akala nito siguro ay labis-labis ang halaga ng kanyang katawan.

Dapat naisip niya ito ng mas maaga, bakit nga ba hindi?

Wala siyang intensyon na matulog kasama siya, mula sa simula. Bakit nito sinabi na napakahalaga ang katawan nito bilang second lead sa 'Alluring Times'?

Kung wala sigurong lagnat ito, hindi siguro nito hahawakan siya… tama?

Siya lang siguro ang babae sa mundo na kinamumuhiang nitong kasama matulog…

Katulad nito, siya lang siguro ang asawa sa mundo na nalaman ang numero ng telepono ng kanyang asawa pagkatapos ng limang buwan na kasal.

Ang mga labi niya ay bahagyang ngumiti. Ngumiti siya ng hindi maganda sa sarili, kalungkutan ang bumabalot sa kanyang mga mata.

Ang 'Alluring Times' ay isang lubos na inaasahang palabas na ginastusan ng Huan Ying Entertainment ng mga dalawangpung milyon. Matapos ang paghahanda ng dalawang taon, kahit ang internasyonal acclaimed na production ang filming crew ay makakasama dito.

Ang gantong pamamaraan ay kayang makakuha ng maraming attensyon bago pa man ito magsimula, blazing up on weibo. Ang pelikula ay puno ng kilalang artista maliban kay Qiao Anhao. Kahit ang small side role ay nationally acknowledge famous second lead.

Sa unang araw, may simpleng seremoniyang naganap. Lahat ng aktor ay presenta maliban sa second male lead.

Ang opisyal na shooting ay nagsimula ng second day at ang first day ay sadyang para sa pagbubukas na sermonya. Ang lahat ng crew sa 'Alluring Times' ay imbitado sa hapunan para makilala nila ang isa't isa bago magsimula ang aktuwal shooting.

Nang makarating si Qiao Anhao, ang banquet hall ay puno na.

Gumawa siya ng research sa lahat ng myembro ng crew bago nagsimula ang pelikula. Kaya kilala niya ang bawat crew at actors na kasama sa pelikula.

Lahat sila ay nakapasok na sa industriya matagal bago pa man siya pumasok, kaya kailangan niyang maging mabait, batiin sila isa-isa. Ang producer ng 'Alluring Times' ay nakaupo sa harap na hilera. Makikipagkamay na sana si Qiao Anhao sa kanya ng may tumalo sa kanya at inabot ang kamay nito kasabay ng pagbati nito, "Mr. Sun, long time no see."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C29
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES