Nagdalawang-isip si Qiao Anhao kung kakatok siya para makuha ang gamit niya, ng biglang bumukas ang pinto. Hinagis ni Lu Jinnian ang mga gamit niya. Agad na nagsara ang pinto bago pa siya makapagisip ng maayos.
Hindi nakasara ang bag niya kaya nalaglag ang mga gamit niya sa sahig.
Nagulat siya sa bilis ng pangyayari, nang bumalik siya sa kanyang sarili. Lumuhod siya para ilagay sa bag ang nagkalat na gamit.
Pagkatapos, mailagay sa kanyang bag, sumulyap siya sa pintuan ng mansyon saka ito tumalikod at umalis.
Matapos bumalik ni Lu Jinnian sa kwarto, kumuha ito ng sigarilyo sa lamesa malapit sa kama, nakita niya ang gamot sa lamesa. Bumili si Qiao Anhao ng gamot para sa kanya. Sumama ang tingin niya sa gamot at kinuha niya ito saka tinapon. Naglakad ito papunta sa bintana, humithit ng sigarilyo at habang pumapasok ang usok sa katawan niya ay saka siya kumalma.
Mula sa bintana, kita ni Lu Jinnian ang likurang bahagi ni Qiao Anhao na papaalis. Nanginginig ang mga daliri niya ng humithit siya ng sigarilyo. Lumabas ang usok sa kanyang bibig bago niya mabagal na hinapan.
Nababalot ng usok, nakikita niya parin si Qiao Anhao na pumapasok ng kotse. Matapos ng kalahating minuto, umandar ang kotse at umalis.
Nanigarilyo si Lu Jinnian hanggang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Qiao Anhao. Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray. Tumayo siya sandali sa balkonahe saka kinuha ang telepono. Tumawag siya, sinabi niya, "Iwanan ninyong blangko ang second female lead role para sa 'Alluring Times', may naisip na akong tao para diyan.
"Saka ayusin mo ang iskedyul ko, gusto kong umarte para sa second lead role ng 'Alluring Times'.
"Wala namang mali kung aarte ako ng second lead role, mahabang panahon na ko umaarte ng lead role, gusto ko namang maiba. Wala akong balak kumuha ng iba pang pelikula."
"Okay, ito lang muna. Gawin mo muna ang pinapagawa ko."
Bago pa man makapagsalita ang nasa kabila ng telepono ay binaba na ni Lu Jinnian ang tawag.
Matapos niyang gumaling sa kanyang lagnat. Hinagis niya ang telepono sa kama bago nahiga sa kama dahil sa pagod. Kahit paano, hindi niya namalayan na tumingin ang mga mata niya sa basurahan.
Tinignan niya ang basurahan ng mahabang oras bago kinuha ang ang kahon ng gamot sa lagnat sa loob nito.
Hindi maganda ang tingin ni Lu Jinnian nang makita niya ang kahon.
Nagmaneho si Qiao Anhao deretso papunta ng Mian Xiu Garden pagkatapos niyang umalis sa mansion ni Lu Jinnian. Nanatili siya sa mansyon ng apat na araw dahil wala siyang trabaho. Makalipas ang apat na araw hindi dumalaw si Lu Jinnian kahit isang beses.
Mahaba ang idlip ni Qiao Anhao nug hapon kaya nagising ito ng gabi. Nagpapalit-palit siya ng pwesto pero bigo siyang makatulog. Kinuha niya ang telepono at nakita niya malapit ng mag alas dose ng gabi. Napalingon siya sa kabilang bahagi ng kama. Naisip niya, 'Hindi na siguro siya babalik ngayong gabi.'
Mababahala siya kung babalik ito pero malulungkot siya kung hindi ito uuwi.
Inalis ni Qiao Anhao ang kumot niya saka umalis ng kama. Naglakad siya sa balkonahe, tumingin siya sa gabi, kita ang lungkot na bumabalot sa kanyang mukha.
Pumunta si Qiao Anhao sa balkonahe matapos niyang alisin ang kumot.
Sa kanyang puso, hindi niya siguro naisip na siya ang asawa nito...Sa lumipas na limang buwan, lagi siyang naiwang mag isa sa kanyang kwarto.
Nagtagal pa siya ng konti hanggang sa tumunog ang kanyang telepono.
Bumalik siya sa kwarto, hinanap ang kanyang telepono at nakita niya ang hindi pamilyar na mga numero.
Sino kaya ang tatawag ng gantong kalalim ang gabi.
Nagdadalawang isip siyang sagutin bago sinagot ng malumanay at nagtanong, "Hello, Sino ito?"
Hindi pinansin ng caller ang kanyang tanong, direktang sinabi, "Sa susunod na linggo, ay opisyal ka nang kasali sa crew ng 'Alluring Times' as the second female lead."
Humigpit ang hawak niya sa telepono nang oras na marinig niya ito. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ni Lu Jinnian ng personal sa kanya. Huminga siya ng malalim at kalmado sinabi, "Naiintindihan ko. Salamat sayo… Lu…" sasabihin na sana ni Qiao Anhao ang full name niya pero tumigil siya at itinama ito, "Mr. Lu."
Ang kanyang mga sinabi ay parang pumasok sa dagat, na wala itong pagkakataong makasagot.
Kung walang buzzing na tunog galing sa telepono, iisipin niya na binaba na ni Lu Jinnian ang telepono.
Matapos ng ilang sandali, Nagsimulang mag-isip si Qiao Anhao kung nakalimutan ba nito ibaba ang telepono at nagsimulang magisip kung ibaba niya ba ang telepono o hindi hanggang sa marinig niya ang walang emosyong boses ni Lu Jinnian.
"Hindi mo kailangang magpasalamat. Miss Qiao iyon ang kapalit ng katawan mo. Pero sa tingin ko, ang katawan mo Miss Qiao ay sadyang mahalaga para makakuha ng second female lead sa 'Alluring Times'..."
Mukhang may sasabihin pa sana si Lu Jinnian pero tumigil ito at matapos ng dalawang segundo ay namatay na ang linya.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES