Nagising si Lu Jinnian mula sa kanyang mahimbing na tulog. Nahihilo pa si Jinnian. Tumingin siya kay Qiao Anhao ng mga dalawang segundo bago tumingin sa kanyang mga kamay na hawak ang kanyang pulso. Sumimangot ito at inisip niya kung bakit siya aabutin nito. Inaantok pa siya kaya walang gana itong nagtanong, "Anong gagawin mo?"
Naalala ni Lu Jinnian na pumunta siya sa Yi mountain. Tumingin siya sa kanyang paligid, para makita kung ito ang kanyang kwarto sa mansyon ng Yi mountain. Bumalik ang tingin nito kay Qiao Anhao bago magtanong ng diretso, "Paano mo nalaman ang lugar na to? Sino nagpapasok sayo dito?"
Matapos niyang magtanong, nakita niya na suot ni Qiao Anhao ang damit niya. Sumimangot ito, napagtanto wala siyang suot sa ilalim ng kumot. Naalala niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa, at binalik nito ang tingin kay Qiao Anhao ulit. Nakita niya ang mga kiss mark sa porcelanang balat nito na hindi natatakpan ng kanyang damit…
Hinigpitan lalo ni Lu Jinnian ang hawak nito sa kamay ni Qiao Anhao. "Kagabi…"
Ang isang salitang nagdala ng matinding kaba kay Qiao Anhao. Alam na ni Qiao Anhao na mangyayari ito… Nang makita niya ang mga tingin nito, nagsimula siyang magpaliwanag, "Nalaman kong may sakit kaya pumunta ako para bigyan ka ng gamot…"
Tumigil siyang bigla, hindi niya alam kung paano ipaliwanag.
Kahit na nahihilo pa si Lu Jinnian, naalala pa niya ang mga pangyayari. Ang mapait na bagay sa kanyang bibig ay isang gamot at hinalikan siya nito para pigilan siyang idura ito… Gumalaw ang bibig ni Lu Jinnian at nakita ang masama nitong expresyon na bahagyang sumigla.
Nataranta si Qiao Anhao sa pananahimik ni Lu Jinnian. Nagdadalawang isip siya bago nagpatuloy," Hindi ko inaasahan na may mangyayari sa atin kagabi…"
Bago matapos ni Qiao Anhao ang kanyang sasabihin, ng halos mahagis ni Lu Jinnian ang kanyang braso ng bitiwan ito. Nagulat siya sa lakas nito, napasuray siyang napaurong dito. Bago pa niya maisaayos ang kanyang sarili, aroganteng nagsalita ito, "Anong gusto mo?"
Nabigla si Qiao Anhao sa tatlong salita na lumabas sa mga labi nito. Hindi niya ito maintindihan, tinignan niya ito nang nagtataka.
Nakita ni Lu Jinnian ang tingin nito sa kanya kaya nabasa niya ito sa kanyang ekspresyon, nagpatuloy ito,"Dati, umakyat ka sa kama ko para sa role sa 'To the End of Time'. Ngayon, ano naman gusto mong kapalit?"
Nalungkot si Qiao Anhao sa sinabi nito.
Sa simula nanghingi siya ng role, pero dahil iyon sa takot niya na malaman na may pag-ibig siya para sa kanya. Pero ngayon, nakikita niya siya bilang isang babae na ginagamit ang katawan para manghingi na pabor.
Umitim ang kanyang mga labi, at ayaw niyang magsalita.
Nagantay si Lu Jinnian pero nang makita niya na hindi ito handa, binasag niya ang katahimikan. "Bakit hindi ka nagsasalita? Pagkatapos mong gumawa ng ganito, binigyan ako ng gamot, inalagaan ako, at hanapin ang lugar na to, hindi para lang lahat ng ito sa mas maraming benepisyo?"
"Nasabi mo na hindi mo inaasahan ang nangyari sa ating dalawa…"
Tumigil si Lu Jinnian, napagtanto niya na walang pinupunto ang sinabi niya. Nabalot ng katahimikan ang lahat saka siya lumunok. Tumingin ito ng diretso sa mata ni Qiao Anhao, binabasa ang nasa isip niya. Walang gana niyang sinabi, " Maliban nalang kung wala ka talagang hinahanap na benepisyo para pumunta dito…"
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na malalaman ni Lu Jinnian… Hindi niya na malayan na humigpit ang kanyang mga kamao, sinusubukan niyang kumalma, at sinabi, "Dalawang araw na ang nakakalipas, nang pumunta ako ng Huan Ying Entertainment para sa awdisyon para sa second lead in 'Alluring Times' pero bigo ako."
Hindi inasahan ni Qiao Anhao na itatago niya ang nararamdaman at gamitin ang sarili bilang isang pambayad. Humigpit ang kamao niya pero hindi niya ininda, "Maraming kilalang artista ang kasali sa pelikula at bago pa magsimula ay kumukuha na ito ng maraming atensyon. Kung gusto mo kong bigyan ng gantimpala, ibigay mo sa akin ang second lead role."
Walang sinabi si Lu Jinnian at tinignan si Qiao Anhao. Bigla nalang tumingin sa baba si Lu Jinnian. Binalot ang kumot sa kanyang katawan, umalis sa kama. Naglakad ito at hinawakan niya ang pulso ni Qiao Anhao, dinala niya ito papalabas. Hinila ni Lu Jinnian si Qiao Anhao palabas ng kwarto, pababa ng hagdanan, diretso papunta sa pinto. Bumagal lang ang mga kilos nito sandali saka tinulak si Qiao Anhao palabas ng pinto ng walang pagdadalawang isip at malakas na sinara ang pinto.
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao ang gagawin ni Lu Jinnian, sa bilis ng pangyayari, nagulat siya sa ginawa nito. Napansin niya nalang nasa labas na siya ng mansyon
Pero lahat ng gamit niya ay nasa taas...
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES