App herunterladen
2.46% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 24: Sino Nagpapasok Sayo Dito? (4)

Kapitel 24: Sino Nagpapasok Sayo Dito? (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Naisip na ni Qiao Anhao ang susunod na gagawin ni Lu Jinnian. Hindi sinasadyang napalingon siya at nakitang nakatulala ito. Akala siguro ni Lu Jinnian ay isa itong panaginip.

Natakot si Qiao Anhao na maulit ang nangyari. Tinulak niya si Lu Jinnian.

Nakaraang tatlong buwan. Naalala niya kung paano ang nangyari sa kanila ni Lu Jinnian, wala ito sa tamang pag-iisip, ng magising ito, gusto siyang patayin sa sakal nito.

Sumimangot si Lu Jinnian. Hinawakan nito ang mga kamay ni Qiao Anhao upang hindi ito makagalaw.

Hindi malinaw ang isipan ni Lu Jinnian dahil sa lagnat. Ayaw nito na may mangyari sa pagitan nila. Gustong makawala ni Qiao Anhao sa kanya, pero dahil sa pagod ay sumuko nalang ito.

Kinagat ni Qiao Anhao ang kanyang labi at ipinaubaya ang sarili kay Lu Jinnian. Ayaw isipin ni Qiao Anhao ang maaring mangyari kung malaman nito na umulit ang nagawa nila tatlong buwan na ang nakakaraan.

Natapos nila, nilapit ni Lu Jinnian si Qiao Anhao gamit ang kanyang mga braso at natulog ulit.

Pagod si Qiao Anhao ngunit hindi siya makatulog. Nang umalis sa mga braso ni Lu Jinnian ang unang naisip ni Qiao Anhao ng maayos na ang sarili nito.

Hinangad niya ang mga yakap nito, manatili sa tabi nito ng matagal pero alam niya na hindi para sa kanya ito. Yakap lang siya nito dahil wala ito sa tamang pag-iisip.

Lahat ito ay isang pagkakamali.

Nakita ni Qiao Anhao ang telepono niya ng tatanggalin na niya ang braso ni Lu Jinnian. Bahagyang nagdadalawang-isip, kumuha siya ng litrato gamit ang kamera ng telepono.

Sa kanyang telepono, Yakap siya nito habang ito ay mahimbing na natutulog.

Ito ang hinangad niya, ang mayakap ni Lu Jinnian, kahit hindi totoo ang intensyon, gusto niya pa rin ito.

Gamit ang litrato, maari niyang isipin na gusto ni Lu Jinnian na mayakap siya sa pagtulog nito.


Kapitel 25: Sino Nagpapasok Sayo Dito? (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

Lumingon si Qiao Anhao sa lalaking katabi niya matapos niya itago ang telepono na may litrato nilang dalawa.

Kahit tulog ito mukha pa rin itong malungkot na para bang ayaw na ayaw nito na makisalamuha sa ibang tao.

Tinignan ng tahimik ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ng mahabang panahon bago niya abutin ang mukha nito.

Hahawakan sana ni Qiao Anhao si Lu Jinnian pero natigilan ang mga daliri niya. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil hindi niya kayang gawin ito ng gising si Lu Jinnian.

Natulala si Qiao Anhao. Malapit si Lu Jinnian sa kanya, ngunit, parang magkabilang mundo ang layo nila.

Sinimulan niyang isipin ang kanyang nararamdaman para kay Lu Jinnian. Nakakagulat na nagawa niyang tahimik na ibigin ito sa loob ng labing-tatlong taon.

Minahal niya ito ng walang pagdadalawang-isip, binigay niya lahat ng pagmamahal para kay Lu Jinnian. Mula ng kabataan niya, 13 taong gulang siya hanggang sa 26 taong gulang at ganap ng isang babae.

Naisip niya na masakit ang one sided na relasyon. Naiyak siya at mahinang sinabi, "Lu Jinnian, Alam mo ba? Pinangarap kong umamin sayo na mahal kita? pinangarap kong sabihin sayo na mahal kita." 

Huminga ng malalim si Qiao Anhao saka dahan-dahan inalis ang braso ni Lu Jinnian at umalis ng kama.

Nilamig si Qiao Anhao ng umalis siya sa tabi ni Lu Jinnian. Nakita niya na sira ang kanyang damit. Pumunta siya sa kabinet ni Lu Jinnian upang kumuha ng damit pang babae pero wala siyang makitang damit kaya kumuha siya ng damit ni Lu Jinnian.

Mas matangkad sa kanya si Lu Jinnian kaya ng isinuot niya ang damit nito nagmukha itong dress.

Hindi na lumapit sa kama si Qiao Anhao sa kama, takot na baka maulit ito. Naupo nalang siya sa sofa sa sala malayo sa kwarto ni Lu Jinnian.

Umupo sa sofa si Qiao Anhao at hindi na lumapit sa kama ni Lu Jinnian. Takot siya na maulit ang nangyari sa pagitan nila.

Nakatulog si Qiao Anhao ng sumunod na gabi dahil sa antok. Hindi maganda ang posisyon niya sa pagtulog kaya nang masinagan siya ng araw ay nagising siya. Pumunta siya sa kama ni Lu Jinnian, nakita niya na tulog pa ito.

Hahawakan niya sana ang noo ni Lu Jinnian para malaman kung wala na ang lagnat nito. Nang may mahigpit na humawak sa braso niya. Nakita niya ang masamang tingin sa kanya ni Lu Jinnian, na ikinagulat niya.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C24
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES