Naririnig ni Qiao Anhao ang pagpindot ni Lu Jinnian sa telepono, na lumilikha ng mahihinang tunog.
Matapos nito, sinarado niya ang kanyang telepono at bumalik ang katahimikan sa buong kwarto kahit ang paghinga ni Lu Jinnian ay naririnig ni Qiao Anhao.
Humiga agad si Qiao Anhao kahit alam niyang hindi komportable ang kanyang posisyon, hindi na rin siya nagtangkang gumalaw pa. Maingat siyang nagpalit ng mas komportableng posisyon pero kahit na maingat siya sa mga galaw na ginagawa niya nagawa pa rin niyang maistorbo si Lu Jinnian. Natakot si Qiao Anhao ng biglang nagbago ng posisyon si Lu Jinnian dahil sa takot ni Qiao Anhao, hindi na siya nagtangkang gumalaw.
Dahil dito ay hindi na rin makatulog si Qiao Anhao dahil sa papalit-palit na posisyon sa pagtulog ni Lu Jinnian na tila para bang may kinaiinisan.
Kinagulat ni Qiao Anhao nang inalis ni Lu Jinnian ang kumot at naupo na tila ba may kinainisan ito, dahilan para matakot si Qiao Anhao sa mga kilos nito.
May narinig si Qiao Anhao na mahinang hakbang sa loob ng kwarto dahil dito hindi niya sinubukang gumalaw o idilat ang kanyang mga mata. Maya-maya naamoy niya ang usok ng sigarilyo na kumakalat sa buong kwarto.
Simula ng ikasal sila ni Lu Jinnian ito ang unang beses na nanigarilyo si Lu Jinnian sa harap niya dahil sa natatandaan niya hindi ito naninigarilyo. Kaya napaisip si Qiao Anhao kung saan at kailan ito natutong manigarilyo.
Umubos si Lu Jinnian ng dalawang sigarilyo bago ito tumingin kay Qiao Anhao na tahimik na natutulog katabi ng kanyang malaking teddy bear saka ito pumunta sa balconahe para buksan ang mga bintana.
Pagkatapos niyang maubos ang kanyang sigarilyo, inantay ni Lu Jinnian na mawala muna ang amoy ng sigarilyo bago nito isara ang pinto at naglakad papunta sa gilid ng kama.
Pagkatapos mahiga hindi na nagbago ng posisyon si Lu Jinnian.
Nawala na ang paiba-iba na posisyon ni Lu Jinnian kahit ganon kabado parin si Qiao Anhao buti nalang katabi nito ang malaki niyang teddy bear at nawala na rin ang pagod sa kanya na unti-unting nagpahuminahon sa kanya dahilan para siya ay matulog ng mahimbing.
Hindi alam ni Qiao Anhao kung gaano siya katagal natulog ng bigla nalang may marahas na humawak ng kanyang mga kamay. Sa sobrang higpit ng kapit dahan-dahan nagising si Qiao Anhao ngunit nangunot ang kanyang mga kilay,at nang unti_unti niyang binuksan ang kanyang mga mata, nakita niya na nakatingin si Lu Jinnian sa kanya katabi ng malaking teddy bear at masama ang tingin nito sa kanya.
"Sinusubukan mo na naman bang akitin ako ng tulog?" he snarled.
Nawala ang antok ni Qiao Anhao. Kumisap ang kanyang mga mata sa kuryusidad pero binaba niya ang kanyang ulo ng napagtanto niya na sa kanyang ginawa naabot niya parin si Lu Jinnian ng hindi sinadsadya kahit may teddy bear na sa kanilang pagitan dahil dito hindi siya pinakawalan ni Lu Jinnian at tinanong siya nito na halatang may tono ng pangungutya "Bakit? Gusto mo ba ulit na ibenta ang katawan mo sa akin ngayong tapos na yung isang binigay ko sayo?"
Putlang-putla si Qiao Anhao ng marinig ang pangungutya ni Lu Jinnian. Matapos ng insidente noong nakaraang tatlong buwan kahit ang impresyon ni Lu Jinnian sa kanya ay nawala na rin, hindi na siya nakinig nang subukan ni Qiao Anhao na magpaliwanag sa kanya.
Kahit nasasaktan na si Qiao Anhao nagawa niyang balewalain ito at mahina niyang sinabi, "Hindi ko ito sinasadya."
"Hindi mo sinasadya?" Napatawa si Lu Jinnian at tinignan ng masama si Qiao Anhao kaya ang mga sunod niyang sinabi ay mas marahas at walang awa."Miss Qiao, hindi ko inaasahang magaling kang magsinungaling at ganon din ang abilidad mong pagsamantalahin ang iba. Sigurado ako nang umakyat ka sa kama ko at lasing ako. Kung hindi ako nagkakamali pinipilit mong may mangyari sa atin!"
Nasaktan si Qiao Anhao sa lahat ng sinabi ni Lu Jinnian, na lahat ng salitang sinabi ni Lu Jinnian ay sumusugat sa kanya ng mas malalim. Namula ang mga mata ni Qiao Anhao na tila ba iiyak na ito.
Totoo, nang gabing yun nagmakaawa siya kay Lu Jinnian pero dahil iyon sa dami ng kanyang nainom na alak! Tapos bahagyang mahina pa siya kaya akala niya panaginip ang lahat, kaya niya mahinang sinabi dito, "Pwede ba akong maging babae mo!"
Hindi inaakala ni Qiao Anhao na gagamitin ni Lu Jinnian ang mga nangyari noong nakaraang tatlong buwan para insultohin siya. Namula ang mukha niya matapos siyang mapahiya, kaya kinurot niya ang kanyang sarili para hindi niya maramdaman ang mga sinabi sa kanya ni Lu Jinnian at pinakalma niya ang kanyang sarili saka ipinaliwanag kay Lu Jinnian,"Wala naman akong intensyon para akitin ka, Natutulog ako nang aksidente kitang na hawakan."
"Siguraduhin mo lang, itatama ko lang, kahit ikaw ang nagsimula nito,simula ngayon ako na ang may kontrol. Totoo na may nakuha kang benepisyo sa akin gamit yung katawan mo pero kung ako ay interesado na magtalik sayo." Tumigil ng sandali si Lu Jinnian at walang awang sinabi "Kung hindi ako interesado sayo kahit siguro itapon mo ang sarili mo sa akin, hindi kita gagalawin gaya ng una!" pagmamataas ni Lu Jinnian.
Namutla ang mukha ni Qiao Anhao sa bawat salitang binitiwan ni Lu Jinnian.
Nanataling nakayuko si Qiao Anhao takot na makita ang expresyon ni Lu Jinnian.
Matapos na sabihin ito ni Lu Jinnian ay walang pake niyang binitiwan ang kamay ni Qiao Anhao at pumunta sa changing room.
Nang makalabas siya nakita niya na nasa kama pa rin si Qiao Anhao at nanatili sa ganoong posisyon niyang iniwan ito. Mukha siyang mahina at nakayuko ang ulo, Mukha siyang estudyanteng pinarusahan. Nang medyo dumilim nagmukha siyang inosenteng bata.
Tumayo si Lu Jinnian sa pinto ng changing room tahimik na pinagmamasdan si Qiao Anhao.Matapos ng ilang sandali ay umalis na ito ng kwarto.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES