Hinintay ni Qiao Anhao na kumalma ang sarili bago siya bumangon at naghanda ng kanyang damit bago pumunta sa banyo. Maglalagay na siya ng toothpaste nang marinig niya ang mga yabag ng paa sa labas habang umaagos ang tubig sa banyo.
Natigilan bigla si Qiao Anhao sa tapat ng lababo habang mahigpit niyang hawak ang kanyang toothbrush, matagal din bago niya binuksan ang pinto. Nakita niya si Lu Jinnian pagbukas niya nakaupo ito sa may sofa.
Nababahala at natatakot si Qiao Anhao sa pagdating ni Lu Jinnian. Buong akala niya ay hindi ito babalik. Ngayon, nandito na si Lu Jinnian ay hindi niya alam kung paano ito haharapin. Unti-unti ay nalulunod siya sa takot at kaba.
Narinig ni Lu Jinnian na bumukas ang pinto, lumingon siya dito at nakita niya si Qiao Anhao. Kita ni Qiao Anhao kung paanong walang pakialam ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Lu Jinnian. Kahit na alam niyang hindi siya papansinin nito, sinubukan pa rin niyang kausapin ito. "Nakabalik ka na pala?"
Tanging bahagi lang ng ulo ni Qiao Anhao ang nakita ni Lu Jinnian. Ni hindi siya gustong makita nito. Dahil sa kilos ni Qiao Anhao, umiwas nalang ng tingin si Lu Jinnian at nagtanggal ng butones.
Alam na ni Qiao Anhao kung paano makitungo kay Lu Jinnian. Kita niya na wala ito sa mood. Ngunit, alam niya na ang dahilan ng hindi pagpansin nito sa kanya ay dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Kaya naman para makaiwas ay nagdahilan nalang siya, "Erm… handa na yung pampaligo ko, mauna na ko."
Hindi pa rin siya pinansin ni Lu Jinnian, balewalang hinagis niya ang kanyang suit sa may sofa bago naglakad palabas ng master's bedroom. Matapos na umalis si Lu Jinnian ay saka lang nakahinga ng maluwag si Qiao Anhao at bumalik sa banyo para maligo.
Gustuhin man ni Qiao Anhao na magtago sa banyo hanggang makaalis si Lu Jinnian sa Mian Huan garden. Ngunit, hindi niya ito ginawa at sa paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Lu Jinnian na bagong ligo at suot ang pajama nito. Nakaupo siya sa kama, nakalagay ang mga kamay nito sa likod ng kanyang ulo, nakapikit, at nagpapahinga.
Nang makita ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ay agad itong umiwas ng tingin at pumunta sa vanity table.
Ang kanyang vanity table ay may salamin na nakaharap sa kama kung saan sila natutulog ni Lu Jinnian, nakikita niya ito kahit siya ay nakatalikod sa kanya.
Dahil sa salamin sa kanyang vanity table ay nagagawa niya na palihim na tignan ito ng hindi nito napapansin. Kaya nang masigurado niya na tulog na ito, ay saka niya lang ito tahimik na tinignan si Lu Jinnian sa salamin.
Namangha si Qiao Anhao sa mukha ni Lu Jinnian, mukha kasi itong malumanay, at wala ang malamig na aura nito sa pagtulog. Nakatatak na kay Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian nang una silang magkita 13 taon na ang nakakalipas. Kahit one sided crush, matignan lang ang mukha nito ay sapat na para maghatid ito ng kilig at saya sa kanyang katawan. Nakalimutan niya magpahid ng facial cream kaya nalaglag ito sa sahig.
Patuloy na tinignan ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian. Hinawakan niya ang salamin na tila haplos niya ang mukha ni Lu Jinnian, mula sa mata, sa matangos nitong ilong, at ang bahagyang kulay rosas na labi nito.
Madalas matulala si Qiao Anhao, tuwing tinitignan niya si Lu Jinnian. Hindi niya ito ginagawa ng ito ay gising dahil baka malaman nito ang pagtingin niya para sa kanya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Qiao Anhao ng maalala niya ang nangyari ng nakaraang tatlong buwan. Malinaw niya pang naalala ang malambot na labi ni Lu Jinnian habang patuloy na ginuhit ang repleksyon ng labi nito sa salamin.
Nang halos balutin na siya ng kalawakan dahil sa "one sided love" niya para kay Lu Jinnian ay doon naman tumunog ang isang telepono dahil sa dumating na text. Nagising si Lu Jinnian dahil sa ingay nito. Nagulat naman si Qiao Anhao kaya dali-dali siyang nagpahid ng cream na kanyang nalaglag kanina.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES