Nang dumating si Lu Jinnian ay nagbalik lahat ng kanyang alaala mula sa mga nakaraang buwan, pati na ang pananakal ni Lu Jinnian sa kanya.
"Qiao Anhao, sinusubukan mo bang makipaglaro sa akin?"
"Qiao Anhao, gusto mong makipaglaro? Sige! Pagbibigyan kita. Maglaro tayo hanggang dulo!"
Napakabilis ng tibok ng puso ni Qiao Anhao. Sa nakalipas na tatlong buwan nagtago siya mula kay Lu Jinnian, sa takot na magalit ito sa kanya ulit gaya ng nakaraan. Ngunit sa huli ay nagkita pa rin sila.
Maganda ang suot ni Lu Jinnian na itim na suit, bagay ito sa kanya lalo na sa tangkad at makisig niyang katawan. Nang masinagan ng ilaw ang kanyang mukha ay kitang kita ang kanyang manipis na labi, ang kanyang kaaya-ayang niyang kilay at ang matangos niyang ilong.
Maraming maganda at gwapo sa entertainment industry. Ngunit naiiba si Lu Jinnian, mayroon siyang kakaibang karisma na kayang agawin ang atensyon ng lahat.
Namangha ang lahat ng makita siya, maging direktor ng 'To the End of Time' ay natulala sa kanya. Nang matauhan ang direktor, masiglang niyang binati si Lu Jinnian habang dala-dala ang wineglass, "Mr. Lu…"
Nagsimula rin na bumati ang iba kahit na alam nilang hindi sila papansinin nito. Naglakad si Lu Jinnian papunta sa seating area na para bang walang nakausap sa kanya. Napukaw ang lahat kay Lu Jinnian gawa ng paglakad niya. Nakangiting pinanuod ng direktor si Lu Jinnian.
Habang nakain si Qiao Anhao ay nagawa niyang tumingin kay Lu Jinnian dahil malayo ito sa kanya at natatakpan siya ng ibang tao. Ngunit nang malapit na si Lu Jinnian ay pasimple niya itong tinitignan.
Nang malapit nang makarating si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, ni hindi niya magawang itaas ang ulo niya. Hindi siya makakilos at ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Chairman Lu, bakit hindi kayo nagsabi na darating kayo, kumuha sana ako ng magsusundo sa inyo…"
Narinig ni Qiao Anhao ang mga sinabi ng direktor, pakiramdam niya ay sa kanya papunta si Lu Jinnian. Mahigpit niyang hinawakan ang chopsticks at inayos ang kanyang upo. Tinuon niya ang kanyang pansin sa pagkain sa harap niya.
Nakahinga ng maluwag si Qiao Anhao nang maka lagpas si Lu Jinnian sa pwesto niya. Ngunit agad din naman niyang naramdaman na sa likuran niya ito umupo.
Nang unang umibig si Qiao Anhao kay Lu Jinnian, ang mga panaginip niya ay laging tungkol sa kanya. Lumipas ang panahon, natakot siyang makita ito. Tuwing lumalapit ito sa kanya, nababalot siya ng takot at pagkabahala. At lalong tumindi ang nararamdaman niya dahil sa nangyari noong tatlong buwan na ang nakakalipas...
Sa mismong sandaling ito, nakaupo si Lu Jinnian sa kanyang tabi. Tumaas ang kanyang pandama nang marinig at maramdaman niya ang kanyang boses at hininga. Nagpapawis ang mga palad ni Qiao Anhao dahil sa kanyang pagkabahala.
Umikot ang usapan ni Lu Jinnian at ng direktor sa mga pelikula at mga dramas. Kahit bahagyang nagsasalita si Lu Jinnian, kinikilig ang puso ni Qiao Anhao sa bawat salita nito.
Sa kanyang pagkabahala ay tumayo si Qiao Anhao at binaba ang kanyang chopsticks. Nagrason siya na pupuntahan niya si Zhao Meng sa banyo. Ngunit, tumayo si Lu Jinnian kasabay ng pagtayo niya.
Ito ba ay agkakataon o ito ba ay sinadya?
Ang palikuran ay nasa likod ni Qiao Anhao at ang labasan sa dining hall ay nasa likod ni Lu Jinnian. Kaya naman nang siya ay lumiko, nagkasalubong ang kanilang mga tingin.
Sa Isang sulyap lamang kay Lu Jinnian ay niyuko ni Qiao Anhao ang kanyang ulo upang maiwasan ang mga mata nito.
Silang dalawa ay kasal na ngayon ng limang buwan ngunit ang balita at hindi pa na isa publiko. Sa publiko, silang dalawa ay mga estranghero sa isa't isa.
Sinubukan ni Qiao Anhao na pakalmahin ang kanyang sarili at gayahin ang kilos ng iba kaya magalang niyang binati si Lu Jinnian, "Magandang gabi, Mr. Lu."
Si Lu Jinnian ay nanatiling tuwid, hindi gumagalaw, ang kanyang mga tingin ay hindi tiyak, na nagbibigay ng impresyon na hindi niya narinig ang pagbati ni Qiao Anhao. Pagkatapos ng isang mahabang panahon, bigla itong kumisap. Lumiko, nagbago ng daan bago umalis ng dining hall.
Walang binigay na sagot si Lu Jinnian, ang pagbati sa kanya ni Qiao Anhao ay hindi ito kumibo na parang hindi narinig ang pagbati nito. Nakalipas ang mahabang oras, ay umalis ito palabas ng dining hall
Simula sa umpisa, hindi niya nagawang sumulyap kay Qiao Anhao, na tila ang babaeng nasa harap niya ay hindi ang naging asawa na kanyang pinakasalan limang buwan na ang nakararaan.
Ang pagkatao ni Lu Jinnian ay malamig at malayo ang kanyang personalidad na nagpahirap na maging malapit dito. Ang kanyang awtoridad sa Entertainment Industry ay nagpantindi ng takot sa iba, kaya pilit silang naging maingat sa kanilang kilos tuwing siya ay nasa paligid lamang . Sa sandaling iniwan niya ang dining hall, unti-unting nanumbalik sa dati ang atmospera ng dining hall, na bumalik nasa dating maingay bago siya dumating. Ngunit dahil siya ay dumating, ang mga tao ay natural na nagsimulang magsabi tungkol sa kanya
"Isa talagang alamat si Lu Jinnian sa industriya"
"Hindi lang siya alamat, siya ay isang hindi kapanipaniwalang milagro. Sa nakalipas na sampung taon simula ng pumasok siya sa industriya, walang chismis o backlash sa kanya."
"Hindi lang yun nagtayo na siya ng sariling kumpanya mula sa wala. Ang sabi nagsimula ito bilang isang mahirap na bata na walang anumang suporta sa iba. Matapos ng apat na taon, ang kanyang kasikatan ay bumulusok pataas, at nakuha niya ang award para sa "Best Male Actor" sa loob ng anim na sunod-sunod na taon. Sa sampung pelikula na bumoto online bilang isang klasiko, nagpakita siya sa anim, dalawa naman dun ay hindi siya isang lead aktor.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES