Bakas ang pagod sa mukha ni Lu Jinnian, nakaupo siya habang nakikinig sa kanyang assistant na ipinapaliwanag ang schedule niya nang makatanggap siya ng text. Binuksan ito ni Lu Jinnian, "Tapos nang kunan ang 'To the End of Time', may konting salu-salo ang set mamayang 8 pm sa Jing Chen Hotel. Pumunta ka kapag may oras ka pa."
Sandaling tinitignan ni Lu Jinnian ang text bago siya tumingin sa kanyang assistant, at tumango sa ulat nito. Sanay na ang assistant niya sa kanya kaya hindi na ito nababahala sa mga kinikilos nito. "Mr. Lu, may 6 na oras pa bago tayo umalis. Saan mo gustong kumain ng hapunan, sa bayan o sa eroplano."
"Sa bayan," sabi bi Lu Jinnian. Magtatanong pa sana ang assistant niya nang muli siyang nagsalita, "Jing Chen Hotel."
Nang makarating sila sa Jing Chen Hotel ay kumain sina Lu Jinnian at nang assistant niya. 8:30 na ng gabi nang matapos silang kumain. Nagbayad sila at saka umalis ng biglang tumigil si Lu Jinnian.
Huminto kaagad ang kanyang assistant saka ito nagtanong. "Mr. Lu, may problema po ba?"
Sandaling tumahimik si Lu Jinnian at nagsabing, "Hintayin mo ako sa sasakyan, may pupuntahan lang ako sa taas."
Tumayo lang ito ng sandali at dumiretso papunta sa elevator.
-
Nang makarating si Qiao Anhao sa salu-salo ng 'To the End of Time' ay nagbibigay na ng talumpati ng pasasalamat ang direktor sa entablado. Kahit na madali niyang inayusan ang kanyang sarili, nahuli pa rin siya sa pagdating. Nakatuon ang pansin ng lahat sa direktor, kaya walang nakapansin sa kanya. Agad rin niyang hinanap ang manager niyang si Zhao Meng.
Matapos ang talumpati ng direktor, nagsimula na silang magkainan.
Dahil sa isa itong banquet, ang pakikisalamuha at pag-inom ng alak ay nakaugalian na.
Hindi A-lister artist si Qiao Anhao. Gayunpaman, ang kanyang magandang pisikal na pangangatawan, mabait na pagkatao, at husay sa pananalita ang nagbigay sa kanya ng oportunidad para makilala ng lahat.
Pumunta si Qiao Anhao kasama si Zhao Meng sa buffet area nang matapos niyang batiin lahat at agad itong naghanap ng upuan. Napili niyang maupo malapit sa may bintana. Nagkaka-saya ang lahat nang dumating si Lu Jinnian, agad na tumahimik ang lahat. Maging si Qiao Anhao na kumakain ay nagulat sa pagdating ni Lu Jinnian.
Nang dumating si Lu Jinnian ay nagbalik lahat ng kanyang alaala mula sa mga nakaraang buwan, pati na ang pananakal ni Lu Jinnian sa kanya.
"Qiao Anhao, sinusubukan mo bang makipaglaro sa akin?"
"Qiao Anhao, gusto mong makipaglaro? Sige! Pagbibigyan kita. Maglaro tayo hanggang dulo!"
Napakabilis ng tibok ng puso ni Qiao Anhao. Sa nakalipas na tatlong buwan nagtago siya mula kay Lu Jinnian, sa takot na magalit ito sa kanya ulit gaya ng nakaraan. Ngunit sa huli ay nagkita pa rin sila.
Maganda ang suot ni Lu Jinnian na itim na suit, bagay ito sa kanya lalo na sa tangkad at makisig niyang katawan. Nang masinagan ng ilaw ang kanyang mukha ay kitang kita ang kanyang manipis na labi, ang kanyang kaaya-ayang niyang kilay at ang matangos niyang ilong.
Maraming maganda at gwapo sa entertainment industry. Ngunit naiiba si Lu Jinnian, mayroon siyang kakaibang karisma na kayang agawin ang atensyon ng lahat.
Namangha ang lahat ng makita siya, maging direktor ng 'To the End of Time' ay natulala sa kanya. Nang matauhan ang direktor, masiglang niyang binati si Lu Jinnian habang dala-dala ang wineglass, "Mr. Lu…"
Nagsimula rin na bumati ang iba kahit na alam nilang hindi sila papansinin nito. Naglakad si Lu Jinnian papunta sa seating area na para bang walang nakausap sa kanya. Napukaw ang lahat kay Lu Jinnian gawa ng paglakad niya. Nakangiting pinanuod ng direktor si Lu Jinnian.
Habang nakain si Qiao Anhao ay nagawa niyang tumingin kay Lu Jinnian dahil malayo ito sa kanya at natatakpan siya ng ibang tao. Ngunit nang malapit na si Lu Jinnian ay pasimple niya itong tinitignan.
Nang malapit nang makarating si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, ni hindi niya magawang itaas ang ulo niya. Hindi siya makakilos at ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Chairman Lu, bakit hindi kayo nagsabi na darating kayo, kumuha sana ako ng magsusundo sa inyo…"
Narinig ni Qiao Anhao ang mga sinabi ng direktor, pakiramdam niya ay sa kanya papunta si Lu Jinnian. Mahigpit niyang hinawakan ang chopsticks at inayos ang kanyang upo. Tinuon niya ang kanyang pansin sa pagkain sa harap niya.
Nakahinga ng maluwag si Qiao Anhao nang maka lagpas si Lu Jinnian sa pwesto niya. Ngunit agad din naman niyang naramdaman na sa likuran niya ito umupo.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES