Ngunit, nang oras na buksan ni Qian Lan ang kanyang mata at napagtanto na siya ay nag iisang nakahiga sa sofa, si Mo Zichen ay nakabalik na sa kanyang silid.
Kahit pa si Qian Lan ay nakaramdam ng bahagyang pagkabigo, hindi niya pinilit si Mo Zichen na gumawa ng isang bagay na hindi nito gusto. Tumayo na lamang siya at nagbalik sa kanyang silid upang matulog. Pagkatapos ng lahat, kailangan pa rin niyang magreport sa troops bukas.
Ngunit, sa kanyang pagkasorpresa, si Mo Zichen ay nagsimulang kumatok sa kanyang pinto pagkaraan ng ilang sandali. Pagkaraang buksan niya ang kanyang pinto, sinabi ni Mo Zichen sa kanya, "Sumama ka sa akin."
Ilang sandaling napatayo lamang sa pagkagulat si Qian Lan bago niya napagtanto kung ano ang nangyayari, "Sinusubukan mo bang sabihin... na ikaw at ako..."
"Hindi mo ba gusto?"
Mabilis na iniling ni Qian Lan ang kanyang ulo.