"Hindi mo na kailangan na malaman ito," Ayaw na ni Tangning na masangkot si Xia Hanmo sa samaan ng loob sa pagitan niya at ni President Fan. "Tayo ay patas na ngayon. Sa wakas ay maaari mo ng alisin ang iyong pakiramdam ng may kasalanan. Yamang nakahanap ka ng taong maaari mong sandalan, dapat ka ng maglakad sa sarili mong daanan."
Hindi na sumagot si Xia Hanmo. Upang maging eksakto, malinaw niyang laam kung ang ano ang totoong kahulugan ng sagot ni Tangning.
Ngunit, kahit pa wala na siya sa Superstar Media, habang buhay na niyang iisipin na siya ay kaisa nila.
Gayunpaman, sapat na ang kanyang naranasang kahihiyan mula sa insidente kanina.
Sa kanyang pagkakakilanlan at sa kanyang kasalukuyang estado, ang kanyang pag iral sa mundo ay talaga namang wala ng katuturan.
Kaya, pagkaraang ibigay ni Tangning ang kanyang sagot, ang dalawang babae ay hindi na muling nagsalita pa sa bawat isa.