Habang si Song Xin ay nagrereklamo sa mundo tungkol sa Hai Rui, personal namang dumating si Duan Jinghong sa istasyon ng pulis at sinabi sa kanila na nais niyang mag harap ng reklamo.
Nang tanungin siya ng officer kung ano ang nais niyang ireport, matapang niyang sinabi gusto niyang sumuko.
Ang mga pulis ay kaagad na nagsimula ng isang imbestigasyon at ginugol ni Duan Jinghong ang kanyang buong maghapon sa pagpapaliwanag kung paano nila plinano ang pagbabalak upang pinsalain ang binti ni Huo Jingjing at kung paano niya binunsudan si Hua Wenfeng na saktan si Tangning. Hindi na niya sinubukan na itago ang katotohanan.
"Young lady, kung ang sinasabi mo ay katotohanan, kung gayon ayon sa batas, ang taong iyong gustong paratangan ay hindi magdadala ng pangunahing responsibilidad para sa krimen. Alam mo ba ang tungkol dito? Sa ibang salita, kung ito ay totoo, kung ganon ikaw ang pangunahing salarin at siya ay isang aksesorya lamang naiintindihan mo ba?"