Ipinahihiwatig ni Tangning na binaril ni Tang Xuan ang kanyang sarili sa paa sa pagpilit sa kanyang umatras mula sa entertainment industry.
"Pinahihirapan ka ng pag – iral ko na makalampas sa pang – araw – araw mo na buhay, tama?" tanong ni Tangning habang humahakbang palapit kay Tang Xuan. Ang perpektong pigura ni Tangning ay lumilikha ng nakakatakot na aura na sumasakal kay Tang Xuan habang humihilig si Tangning sa tainga ni Tang Xuan at bumulong, "Umpisa pa lamang ito…"
"Noong wala pa akong pakialam na makipag away sa iyo, nananatili ka sa pagtulak sa akin sa isang tabi. Sa huli, wala akog pagpipilian kung hindi ang itigil ang lahat ng aking ginagawa upang makipaglaro sa iyo para huwag naman masayang ang iyong mabuting aksyon…"
Pagkatapos magsalita, si Tangning ay ilang hakbang na umatras at humanga sa hitsura sa mukha ni Tang Xuan bago kumurba pataas ang kanyang mga labi.