Pagkaraang makabalik sa kanilang tahanan, alas 3 na iyon ng susunod na araw. Habang itinutulak niya pabukas ang pintuan ng kwarto, si Tangning ay binati ng natatakpan ng talulot ng mga rosas na sahig. Si Tangning ay bahagyang nagulat. Ilang sandali pa, nilapitan siya ni Mo Ting mula sa likuran at binalot siya nito sa kanyang yakap.
"Nagustuhan mo ba?"
Tumingin siya sa mga kandilang nasa sahig at pagkatapos ay sa regalong nakalagay sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kama, tumango si Tangning, "Hindi ako nakauwi ng matagal at ang kama sa hotel ay matigas at malungkot."
Kinarga ni Mo Ting si Tangning sa kanyang mga braso at inilapag sa ibabaw ng kama. Idiniin ang kanyang katawan sa ibabaw ng katawan ni Tangning habang ang kanyang malalim at kaakit akit na boses ay umaalingawngaw sa kanyang tainga, "Madam, masama para sa isang lalaki ang pigilan ang kanyang pangangailangan ng matagal. Kailangan mong bumawi para dito."