Nang gabing iyon. Sa oras ng siksikan sa kalye. Ang mga tauhan ng Her Vision ay unti – unti nang nagsisiuwian na. Sa oras na iyon, isang hindi inaasahang pigura ang pumunta sa gusali. Ito ay direktang sinamahan ng sekretarya ng editor papunta sa opisina mismo sa opisina ng editor; hindi na kailangan nito na magpa – iskedyul ng oras ng pakikipag – usap.
"Hindi ko inaasahan na pupunta rito si Assistant Lu, ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagbaba para batiin ka…" tumayo si Editor Lin at magalang na ngumiti habang inuunat niya ang kanyang kamay. Labis ang kanyang kagalakan na makita si Lu Che; posible kayang gustong makipagtulungan ng Hai Rui?
Sanay na si Lu Che na itrato sa ganoong paraan. Bahagyang naningkit ang kanyang kaakit – akait na mga mata at sinabi agad ang kanyang pakay, "Gustong malamang ni President Mo… kung sino ang modelo na lalabas sa front cover para sa isyu ninyo sa buwan ng Nobyembre?"