Sa huli, natalo si Zhou Zekai.
Si Zhou Zekai ang ikalawang manlalaro ng Samsara sa Group Arena. Ang unang laban niya ay kaharap si Ye Xiu ng Happy, at tumumba naman siya sa ika-apat na manlalaro ng Happy na si Fang Rui. Pero sa totoo lang ay hindi nakuntento ang mga tagahanga ng Samsara.
Ramdam nila na nasayang ang lahat. Kasi naman, talagang inaakala ng mga tagahanga ng Samsara na kayang manalo ni Zhou Zekai ng mag-isa kaharap ang apat na manlalaro. Sa kasamaang-palad, tinalo siya ni Fang Rui sa huli.
"Nahulog siya sa patibong!"
Iyan ang iniisip ng lahat ng mga tagahanga ng Samsara. Para sa kanila ay masyadong madaya nga naman talaga si Fang Rui. Makikita mo iyon kung titingnan mo ang statistika sa katapusan ng labanan!
Nagsimula ang laban habang 45% ang buhay ni Cloud Piercer, at gaano karami ang pinsalang nailapat ni Boundless Sea kay Cloud Piercer? 13%.