Sing-lakas ng kulog, at kidlat ang mga hiyawang umalingawngaw sa buong istadyum.
Kahit na gaano pa man kababa ang Health ni Soft Mist, hindi pa naman siya patay. Parang kagaya rin iyan sa sitwasyon ni Boundless Sea. Kahit na gaano pa man kababa ang kaniyang Health. Basta't buhay pa siya ay maaari pang magbago ang takbo ng labanan.
Pero ngayon ay sa wakas, maaari na ring kumalma nilang lahat.
Iyan ay dahil sa patay na si Boundless Sea. Naging kulay-abo na ang kaniyang pangalan, malinaw na nakaalis na siya sa labanan. Nakakuha na nang isang puntos na kalamangan ang Tyranny.
Kung susumahin mo ang lahat ng puntos na nalikom ng dalawang Team sa labanan ay masasabi mo na pantay-pantay lang naman ang kanilang mga puntos. Pero ang isang puntos sa Team Competition ay isang sagisag na nakakalamang ng isang manlalaro ang isang Team.
Hindi ang puntos na iyon ang importante, ang importante ay ang kalamangan ng Team dahil sa kanilang dami.