Kung walang inaabalang tao si Wang Jiexi sa ginagawa niyang ito ay hindi siya papansinin ng lahat, dahil takot sila na baka sila ang pagtuonan ng pansin ni Wang Jiexi. Pero ang problema ay nasa kaniyang mga kamay ang aggro ng BOSS.
Sa isang perspektibo na kung saan gusto mong nakawin ang aggro ng BOSS ay kinakailangan mo munang patayin ang taong may hawak sa aggro ng BOSS na sa sitwasyong ito ay si Wang Jiexi.
Bago nila manakaw ang BOSS ay kinakailangan na muna nilang patayin si Wang Jiexi. Kung hindi ay parang tinutulungan na rin nila ang Herb Garden na patayin ang BOS kapag inatake nila ang BOSS.
Si Wang Jiexi ay isang manlalaro na kahit na sa mga panaginip ng mga ordinaryong manlalaro ay hindi nila kayang talunin. Kahit na nga ang mga propesyonal na manlalaro, iyong mga baguhan pa lamang sa Alliance kagaya ng dalawang Sharpshooter mula sa Misty Rain ay pinaglalaruan lang niya.