Inisip ni Liang Qingming na ito ay bagay na magiging dahilan upang ang matabang lalaki at ang nga katulong ng bahay ay magkagulo. Sa ilalim ng takot dahil sa ganitong eksperto, sila ay magmamadaling tumakbo hanggang sa pinakamalayong kaya nila.
Ngunit sa isang tingin, ang kanyang katawan ay pagewang gewang muli.
Ang tauhan sa bahay ay nagtratrabaho ng normal tulad ng dati, na parang ang presensya niya ay walang epektong kahit ano. Ang mga nagcucultivate ay nagpatuloy magcultivate, ang mga nagluluto ay patuloy na nagluto, ang mga naghuhugas ay nagpatuloy maghugas… Na para siya ay naging transparent!
Lalo na sa mataba sa ibaba, na nakatingin sa kanya ng may sobrang paghamak, na parang nakatingin sa tanga.
Ano ito!
Ano ang sitwasyong ito?
Hindi ba't dapat ang isang 2-star primary master teacher ng Tier 1 Kingdom ay nanginginig ng tahimik sa takot sa oras na makita ang isang eksperto sa Zhizun realm na tulad niya?