Ang huling bagay na naisip ni Shen Chi noon bago siya pumanaw, ay biglang naalala ni Qu Xin
Rui. Takot na takot siya at hindi siya makahinga, habang pinapanood niya ang dugong usok na
unti-unting lumiliit, hanggang sa maging pulang butil ito, mas maliit sa isang butil ng bigas
bago ito biglang sumabog sa isang malaking pagputok at kumalat ang abo sa buong kalupaan
hanggang sa mawala ito.
Ang kamatayan… ay maaaring maging maganda…
Tatlong malakas na Purple Spirit, sa wakas ay naging dugong abo, upang magbigay ng
sustansiya sa lupa ng Thousand Beast City.
Mabilis natapos ang lahat. Bago napagtanto ng mga tao ng Thousand Beast City kung ano ang
tunay nangyari, ang labanan ay dumating na sa katapusan.
Bukod sa isa na natumba sa lupa at naglalabas ng dugo mula sa kaniyang bibig, si Qu Xin Rui ay
buhay pa rin, si Shen Chi at ang dalawang lalaki ay naglaho na ng tuluyan sa mundo at walang
kahit anong bakas nila ang makikita.
Lahat ng taong naroon ay tahimik. Ang lahat ay natigilan sa lahat ng nasaksihan nila ngayon.
Nanlalaki ang mata ni Xiong Ba habang nakatitig sa lalaki na itinuturing ang kaniyang sarili
bilang "personal na tulong" ni Jun Xie…
Alam niya… na napakalakas ni Jun Wu Yao… ngunit hindi niya naisip… na ang kapangyarihan
nito ay aabot sa hindi mapaniwalaang hanggan!
Ang Purple Spirit ang pinakamataas na kapangyarihan na nasa kanilang puso, isang
kapangyarihan na kanilang nilabanan ng buong buhay nila ngunit hindi nagawang baguhin ang
anuman. Ngunit sa harapan ng kaakit-akit na lalaking ito, ang Purple Spirit ay isa lamang
insekto na walang hirap niyang dudurugin… Ginalaw-galaw lamang niya ang kaniyang daliri,
nagtaas ng kamay at napinsala niya ang isang Purple Spirit na sapat lamang upang mawalan
ito ng kakayahan at tuluyang binura ang tatlong natitira na Purple Spirits!
Gaanong nakakabaliw na kapangyarihan iyon!?
Hindi lubos maisip ng lahat iyon!
Kungdi dahil sa masangsang na amoy ng dugo na nasa hangin, kungdi dahil sa hitsura ni Qu Xin
Rui na nangangatal pa rin sa lupa, maiisip nilang sila ay nananaginip!
Tumalikod si Jun Wu Yao at naglakad patungo kay Jun Wu Xie. Sa sandaling iyon na nagpakita
siya, si Ye Sha at Ye Mei ay biglang lumabas sa likuran ni Qu Xin Rui, walang ingat na
kinakaladkad ang nabuwal na si Qu Xin Rui mula sa lawa ng dugo na lumabas mula sa kaniya.
Ang Qu Xin Rui ng mga sandaling iyon ay wala nang makikitang bakas ng pagiging arogante na
pinakita kanina, ibang-iba ito sa taong nagpahirap sa Thousand Beast City ng halos isang
dekada.
Ang damit nito ay basang-basa ng dugo at ang dila sa bibig bito ay tuluyan ng nabulok
hanggang sa ugat, ang pagkabulok ay walang tigil na kumakalat mula sa loob hanggang sa
buong bibig. Ang labi niya ay tuluyan na ring nabulok at ang kaniyang gilagid ay nabubulok na
rin. Habang si Ye Sha at Ye Mei ay kinakaladkad siya, ang ngipin niyang may bahid ng dugo ay
isa-isang nalalagas mula sa kaniyang bibig at kumakalansing ito sa lupa. Sa kaniyang mukha
kung nasaan dapat ang kaniyang bibig, ay wala nang makikitang laman, tanging ang puting
buto na may bahid ng dugo ang natatanaw ng lahat ng taong naroon…
Ang bibig ni Qu Xin Rui ay kahindik-hindik na tila mayroong puwersahang pumunit sa kaniyang
balat sa mukha.
Ang nakapangingilabot at matinding sakit ay halos magpawala sa kamalayan ni Qu Xin Rui,
ngunit ang atensyon niya ay wala sa sakit na sumisira sa kaniya. Ang kaniyang mata ay puno
ng takot habang tinititigan ang likuran ni Jun Wu Yao, ang kaakit-akit at eleganteng anyo
ngunit nagdala sa kaniya sa lubos na desperasyon, pinatay lahat ng pag-asang mayroon siya.
[Ang tao sa alamat!]
[Ay totoong buhay!]
"Ugh! Ugh! Ugh!!!" mayroon siyang nais sabihin, ngunit ang kaniyang dila ay nabulok na at
ngayon ay hindi na siya makapagsalita at ang tunog na nagmumula sa kaniyang lalamunan ay
walang saysay.
Subalit…
Wala sinuman doon ang nais marinig ang kaniyang nais sabihin.
Banayad na naglakad si Jun Wu Yao upang magtungo sa tabi ni Jun Wu Xie, ang ngiti ay nasa
mukha pa rin nito.
"Tulad ng iyong hiling, buhay." paglalahad ni Jun Wu Yao sa pamamagitan ng bahagyang
pagtaas ng kaniyang kamay, ikinumpas patungo sa nakahihilakbot na tanawin ni Qu Xin Rui,
ang magandang mata nito ay kumikislap kay Jun Wu Xie.