App herunterladen
62.8% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 981: Kaibig-ibig na Kuneho (3)

Kapitel 981: Kaibig-ibig na Kuneho (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nakita nito na itinutulak ni Lord Meh Meh ang malambot na katawan ng kuneho.

Nagmadaling tumalon ang pusang itim sa pagnanais na saluhin iyon!

Ngunit ng malapit ng maabot ng pusang itim ang kuneho, ang walang malay na kuneho ay

biglang binukas ang mata nito!

Ang pares ng matang iton ay nagpatigagal sa pusang itim.

Ang tunay na mata ng kuneho ay purong itim. Ngunit ang pares na sinasalamin sa mata ng

pusang itim sa mga sandaling iyon ay mata ng isang hayop na tila nababahiran ng patak ng

dugo!

Pulang-pula ito hindi tulad ng karaniwang mata ng kuneho na may hapyaw lamang ng

pamumula, ang kulay ng pulang iyon ngayon ay tila ibinabad at nakalubog sa dugo!

"Puu" lumabas mula sa bibig nito ang hininga habang ang malambot at maliksing katawan nito

ay pumitik sa kalagitnaan ng ere at lumpag sa harapan ni Lord Meh Meh! Ang namumulang

mga mata na iyon ay naningkit habang ang mabputing balahibo sa katawan nito ay biglang

nagbago ang kulay, naging kulay dugo ito at kitang-kita ng mga mata ang pagbabagong iyon.

"Meh!!"

[Nagulantang ako! Ang kunehong iyon ay talagang galit!]

Umatras ng isang hakbang si Lord Meh Meh habang nakatingin sa kuneho na ngayon ay

kakulay na ng dugo.

"Puu!" nakatitig ang kuneho kay Lord Meh Meh at nakapwesto ito na tila handa na ito sa pag-

atake.

Natigagal ang pusang itim, hindi niya maintindihan ang eksena na nakikita niya. Ang kuneho

na halos mawalan na ng buhay kanina ngayon ay nag-iba ang kulay!? At nagpapakita rin ito na

handang pagsalakay sa isang Guardian Grade Spirit Beast! Ano ang tunay na nangyayari?

Nang maramdaman ang matinding galit na nagmumula sa kuneho, isang maputlang liwanag

ang nagsimulang magpakita sa buong katawan ni Lord Meh Meh, handa na itong magpalit

anyo anumang oras.

Nang mag-uumpisa na ang labanan sa pagitan ng isang partikular na tupa at isang kakaibang

kuneho, si Jun Wu Xie ay natapos na sa kaniyang pagligo at nagtungo sa silid na ang buhok ay

basang-basa pa. Ang malinaw niyang mata ay nakatuon sa dalawang hayop na nasa kaniyang

higaan at natitig sa bawat isa na may matinding poot sa mga mata.

Nang makita ng mga mata niya ang kulay dugo na balahibo ng kuneho ay bumalatay doon ang

matinding gulat.

"Anong ginagawa ninyong lahat?" malamig na tanong ni Jun Wu Xie.

Nang marinig ni Lord Meh Meh ang boses ng kaniyang Mistress ay mabilis niyang pinigilan ang

enerhiya na naiipon sa buong katawan at madaling tumakbo sa tabi ni Jun Wu Xie.

"Meh Meh Meh Meh!!!"balisang unga nito. Nilingon ni Jun Wu Xie ang pusang itim na

nanatiling nakaupo at tigagal sa isang sulok, hinitay nito na isalin nito iyon para sa kaniya.

Nagtagal pa ng ilang sandali ang gulat ng pusang itim bago ito nagbalik sa kaniyang diwa.

"Ang sabi ng tupa na ang kuneho ay ninakaw ang kaniyang pag-aari, na ito ay isang masamang

masamang kuneho at nais niyang itapon mo ito."

Nang marinig ang pagsalin ng pusang itim ay marahas na tumango-tango si Lord Meh Meh.

[Lahat ng tungkol sa kuneho na iyan ay kasuklam-suklam!]

[Hindi lamang nito nanakawin ang pagkain, pati ang tagapagkain ay ninanakaw na ng

kunehong ito!]

Nagtatakang tiningnan ni Jun Wu Xie ang kuneho na ang balahibo ngayon ay kulay dugo na.

Ang mapulang mata ng kuneho ay tumingin kay Jun Wu Xie at ang poot sa mga matang iyon ay

naglaho at biglang napalitan ng banayad na sulyap.

"Puu…" tumalon ang kuneho patungo sa dulo ng higaan, ang katawan ay maayos na

nakatindig. Ang munting mga kamay ay niyakap ang malaking tainga habang maamong sinilip

si Jun Wu Xie.

"Anong sinasabi niya?" tanong ni Jun Wu Xie sa pusang itim, nakasimangot ang mukha niya.

Sumagot ang pusang itim: "Tinawag ka niyang Mistress."

"..." natahimik si Jun Wu Xie.

Lalong nainis si Lord Meh Meh.

"Meh!!"

[Sinong tinatawag mong Mistress!? Siya ang tagapagpakain ni Lord Meh Meh! Masamang

kuneho! Lumayas ka!]

"Puu." ang kulay dugo na kuneho ay nanginig at nahihiyang itinago ang munting mukha nito sa

malaking tainga tulad ng isang mahiyaing dalaga, bahagyang itinaas ang ulo at mabilis na

yumuyuko habang sinisilip si Jun Wu Xie.

"..." wala ng mahagilap na salita si Jun Wu Xie kung anong nararamdaman niya ng mga

sandaling iyon.

Isang mababang uri ng Spirit Beast ang mayroong ganoong kakumplikadong emosyon?


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C981
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen