Nanlaki ang mga mata ni Gu Li Sheng, sa unang pagkakataong nakita niya ang bata, nakita na niyang kawili-wili ito. Sa murang edad, nakalusot na siya sa kahel na antas. Ngunit ang mas nakawili sa kanya ay ang hina ng ring spirit ng bata, at hindi iyon dahil sa kanyang panganganak, ngunit dahil sa malalalang pinsala sa kanyang katawan.
Alam ng lahat, na ang paggawa ng ganito kalalang pinsala sa isang ring spirit, ay mahirap gawin.
Nagtaka siya sa kung ano ang nangyari sa bata at nagpasya itong pumunta sa pakultad ng mga Spirit Healer. Ngunit hindi niya inakalang magdadala siya ng nakagugulat na balita sa kanya.
"Huwag ka munang sumang-ayon. Hindi pa ako tapos. Ang pagpapalabs ko sa 'yo sa pakultad ay para matago ang iyong pagaaral sa Spirit Healing mula sa sinuman. Kailangan mong maisip na nakakatukso ang Spirit Healing sa mga tao at kung may makaalam na nagaaral ka ng palihim, pwede kang mapahirapan at malagay sa peligro. Ngunit kung paalisin kita sa pakultad, at mangusap sa punong tagapagturo na panatilihin ka sa loob ng akademya, walang magdududa, saang pakultad ka man magpunta, hindi magbabago ang pagtrato sa'yo ng iba." Nanliit ang mga mata ni Gu Li Sheng. Dahil sa pamamaraan ng pagtanggap kay Jun Wu Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer, sumikat agad siya sa akademya. Kung pinaalis siya sa unang araw palang at tinulak sa ibang pakultad, ang inggit at pagseselos ng ibang kabataan ay sasabog at si Jun Wu Xie ang magigitna dito.
"May kinalaman ba iyan sa Spirit Healing?" Tinanong ni Jun Wu Xie ng seryoso.
Hindi alam ni Gu Li Sheng kung paano sumagot.
"Kailangan ko lang malaman, ang gusto kong gawin." Sinabi ni Jun Wu Xie ng kalmado. Sa mga gagawin o sasabihin ng mga tao, wala siyang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay makamit ang kanyang mga layunin.
Natawa si Gu Li Sheng at nagluha sa katatawa. Tinignan niya si Jun Wu Xie at sinabing: "Ikaw nga talaga ang pinaka-kawili-wiling batang nakita ko."
Ang katalinuhan, ang personalidad….. Wala nang katulad niya.
Sino ba ang sa unang pagpasok palang ay sasagot na agad sa kanyang guro at sigurado sa kanyang mga naisip, at tinuro pa ang mga kakulangan ng mga katuruan na parang wala lang sa kanya?
Walang sagot si Jun Wu Xie.
"Dahil tingin mo'y hindi ito magiging hadlang para sa'yo, ipagkakatiwala ko na ito sa'yo. Kung may oras man na kailangan mo ng tulong, pwede mo akong lapitan." Nagbuntong-hininga si Gu Li Sheng sa kanyang sinabi, na may kaunting bigat sa kanyang puso sa kanyang pagabot ng gawaing magpapahiya sa kanya.
Hindi tumanggi si Jun Wu Xie sa alok ni Gu Li Sheng, ngunit sa katotohanan, para kay Jun Wu Xie, si Gu Li Sheng…. ay walang gamit para sa kanya… matapos niyang ibigay kay Jun Wu Xie ang mga libro.
*Ubo*"..... Iiwan muna kita para kausapin ang punong tagapagturo, gusto mo bang manatili dito para tumingin-tingin o….." Hindi na mapanatili ni Gu Li Sheng ang imahe niya bilang isang magarbong guro sa harap ni Jun Wu Xie, na nagpaliit ng kanyang imahe sa pagkikitang iyon.
"Pwede ko bang basahin ang lahat ng libro dito?" Tinuro ni Jun Wu Xie ang mga istante ni Gu Li Sheng na umaapaw sa libro.
"Sige." Kumimbot ang bibig ni Gu Li Sheng sa kanyang sinabi.
Kumuha ng mga libro si Jun Wu Xie at mabilis na binasa ang mga ito habang si Gu Li Sheng naman ay nagpunta sa punong tagapagturo para ipaliwanag ang kanyang 'pagpapaalis' kay Jun Wu Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer.
Sa kanyang pagiisip na 'paaalisin' niya ang isang napakatalinong disipulo sa sarili niya, dumudugo ang puso ni Gu Li Sheng. Ngunit kailangan niya itong gawin para maligtas ang bata mula sa mga malilikot ang mata.
Para sa murang edad ng bata, kahit na lubusan niyang maintindihan ang pamamaraan ng Spirit Healing na kahit si Gu Li Sheng ay hindi nagawa, peligro lang ang madadala nito sa kanyang sarili.