Nagtungo si Jun Wu Xie kay Qiao Chu at tumayo ito sa gilid ng kaniyang higaan. Tinaas niya ang kumot nito para kumutan si Qiao Chu.
Nagulat si Qiao Chu habang nakahiga siya.
Ang hindi natatakpan ng kumot ay mga bendaheng may dugo at iba't-ibang klase ng gamot na isiniksik at makalat na nakatago sa unan nito.
Biglang nagulat nanlaki ang mata ni Jun Wu Xie sa nakita.
Sumigaw si Qiao Chu ng malakas at kinuha ang kumot para itago ang mga ebidensyang ito.
"Ilang araw na nilang ibinibigay ito sa akin at tamad akong itapon ang mga ito. Haha... Ha... Tumawa ito ng may hiya.
Tinanggal ni Jun Wu Xie ang kumot nito ng tuluyan. Sa ilalim ng kaniyang damit ay mga may dugong bendahe na nakabalot sa halos buong katawan nito, bakas pa rin ang pagdurugo dito at namula ang mga mata ni Jun Wu Xie sa nakita.
Sinubukan pang itago ni Qiao Chu ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya gumalaw ng makita niya ang maputlang mukha ni Jun Wu Xie.
"Ang mga yan... Hihilom din yan... Mabilis lang..."
Hindi ito pinansin ni Jun Wu Xie at iniangat niya ang kaniyang ulo. Tumungo siya ulit kay Hua Yao na nagbitaw ng isang buntong-hininga bago niya buksan ang damit nito pinakita niya na kay Jun Wu Xie ang bendaheng taas na parte ng katawan niya.
Sinabi niya na kanina pa sa iba na malalaman pa rin ito ni Jun Wu Xie.
"Gunting." Sabi nilg malalamig na pananalita ni Jun Wu Xie.
Walang magawa si Qiao Chu kundi halungkatin ang magulo niyang higaan at kumuha ng isang pares na gunting at iniabot niya ito, mabigat sa puso ito para sa kaniya.
Ginupit ni Jun Wu Xie ang mga bendahe at nakita niya ang mga di mabilang na sugat nito.
Biglang nagkasalubong ang kilay ni Jun Wu Xie.
"Ayos lang... Ako...'' Agad na sabi ni Qiao Chu nang makita niya ang reaksyon nito.
"May nakatago akong mkapal na balat, at hindi ako tinatablan ng mga sugat na ito."
Ang gwapong mukha ni Qiao Chu ay halos nangingitim at nanganasul sa pasa. Ang mga sugat nito ay halatang napakasariwa pa.
Biglang napakatahimik ng silid. Ang mga sugat ni Qiao Chu ay malala pa kaysa sa mga sinasabi niya.
Nakatayo naman lang at hindi makatulong sila Ronh Ruo at Fei Yan. Nang bumalik ang dalawang ito ang mga sugat nito'y walang sinabi sa natamo ni Jun Wu Xie. Sa loob ng kaluluwa napuruhan si Jun Wu Xie at mas mahirap ito gamutin. Pagkadatinh nila sa akademya, pareho ng sinabi ang dalawa at bago pa ito nahilo nang tuluyan.
Ang sinabi nila...
Isalba si Jun Wu Xie.
Ang dalawang ito ay hindi pa lubos na kilala si Jun Wu Xie pero malinaw sa dalawa na mahigpit ang hawak nila kay Jun Wu Xie.
Hindi nila akalain na ang pagpunta nina Hua Yao at Qiao Chu sa Qing Yun Clan ay makakapagtamo ito ng matitinding sugat sa kanilang muling pagbalik.
Hindi umimik si Jun Wu Xie at nagpatuloy ito sa pag-gagamot at nilabas nito ang mga gamot na mayroon siya. Binuka niya ang bibig ni Qiao Chu at nilagyan ng gamot.
Nabilaukan agad si Qiao Chu dahil nagulat siya ngunit hindi na siya umalma dahil nakita niya na ang malamig at walang ekspresyon na mukha ni Jun Wu Xie. Nilunok niya na lang ang mga dapat sabihin at wala na siyang magawa pa.
Pagkatapos lunukin ni Qiao Chu ang gamot, nagsimula na itong gamutin ang kaniyang sugat.
Tahimik lang na nanonood si Rong Ruo at Frei Yan sa gilid, at nakita nilang mabilis ang pag-inam na itsura ni Qiao Chu dahil sa mga mabilisang galaw na pag-gamot sa kaniya ni Jun Wu Xie at namangha sila dito.
"Ito ang... Little... Papikit-pikit nitong habang namamanha kay Jun Wu Xie.
Sa kanyang pag-gagamot ay tila walang halaga ang masinsinang pag-aaral nila sa Master Days.
Tumango si Rong Ruo bilang pagsang-ayon sa halos mamahikang kakayahan nito sa medisina at nagbukas ang mata ng may paghanga.
Pagkatapos matigil ang pagdurugo ng mga sugat nito, inulit ni Jun Wu Xie ang paglagay ng bendahe kay Qiao Chu at agad naman niyang sinunod si Hua Yao sa kabilang higaan.
Tiningnan ni Hua Yao ang hawak ni Jun Wun Xie na bote ng medisina at sinabi agad nitong: "Ako na ang gagawa."