Hindi inakala nila Meng Hao at ng iba pa na ang realm na hinihinala nila na taguan ng kayamanan ng Ninth Form Saint Celestial Stage powerhouse ay maaaring binuo ng tatlong Demonyo. Sa katotohanan, isa itong patibong para sa mga powerhouse sa Dao Martial Saint Land!
Kung alam lamang nila, hinding-hindi sila papasok sa realm na ito kahit pa gaano sila katapang!
"Paano ito nangyari?"
"Siya... Paano siya naging isang Demonyo?"
"Ang realm na ito ay binuo ng tatlong Demonyo?"
"Kung ang realm na ito ay binuo ng Devil Clan, may posibilidad na pinaglalaruan lamang nila tayo..."
"Hindi lamang nila tayo pinaglalaruan! Gusto nila tayong patayin!"
...
Ang mga taong maswerteng nakapasa sa ikatlong pagsubok ay hindi na ganoon kasaya tulad kani-kanina lamang. Ang natitirang pakiramdam na lamang sa kanilang puso ay takot.
Kung tunay ngang isa siyang Demonyo, hindi sila nito papakawalan!