Ang dalawang pangkat na nabuhay ay patuloy ring nagdarasal, lahat sila ay umaasang ang unang mamamatay ay hindi magmumula sa kanilang pangkat.
Ito ay dahil kapag may isang namatay sa kanilang pangkat, ang lahat ng natira sa parehong pangkat ay matatanggal!
Kapag sila ay natanggal, sila ay mamamaray!
Kung makakapili sila muli, marami sa kanila ang nagsising sana ay hindi na sila pumunta sa lugar na ito.
Gayunman, wala na silang ibang magagawa.
Habang ang dalawang pangkat ng mga tao ay humaharap sa ikatlong pagsubok sa dalawang magkaibang space, si Duan Ling Tian naman ay nagpapahinga sa pagitan ng dalawang space na ito.
Syempre, mukha lamang siyang nagpapahinga.
Ang totoo ay labis na mabigat ang pakiramdam ni Duan Ling Tian doon.