Clang!
Gumuhit ang kanyang ispada, pinatatalsik ang saber sa kamay ng pinuno ng mga tulisan, pagkatapos ay pumasok sa dibdib ng pinuno na para bang ito ay humihiwa ng mga tuyong dahon.
Sa sumunod na sandali, ang nakasisindak na Quake Energy ni Duan Ling Tian ay lumabas.
"Ah!!" Ang pinuno ng mga tulisan ay naglabas ng isang nakabibinging hiway na tumatagos sa kalangitan, pagkatapos ay biglang tumigil at ang buo niyang katawan ay bumagsak sa lupa na para bang wala siyang mga bunto, walang senyal ng anumang buhay.
Patay!
"Kuya!" Ang mga tulisan na ikatlo at ika-apat na pinuno ay pinangangalagaan ang little gold mouse at hindi sinasadyang napatingin. Ang kanilang mga mata ay para bang ito ay puputok na nang sila ay sumigaw nang malungkot at sabay.
"Mga Brother, patayin na'tin ng bwisit na dagang ito at ipaghiganti ang pinuno!" Ang dalawang huling pinuno ng mga tulisan ay sumigaw nang malakas, at ang kanilang mga mata ay ganap na pula.