Itinapon ang Golden Horned Beast sa loob ng space whirlpool…habang si Craftsman Master—ang bundok na higanteng may 10 milyong milyang taas—ay tahimik na nakatayo sa ere, pinanood niya ang space whirlpool na papunta sa Land of Extremis.
Si Craftsman Master ay isang bundok na higanteng may milyon milyong milya ang taas, makikitaan din siya ng maraming mga naglalakihang braso na gawa sa salamin mula sa kaniya. Sa isang tingin, mukhang mayroon itong hindi bababa sa 100 mga naglalakihang braso. Makikitaan din ang batong mukha ng bundok ng isang pares ng dambuhalang mga mata.
"Golden Horned Beast." Sabi niya "Huwag mo akong sisisihin kung bakit ka nakulong sa loob ng Land of Extremis nang trilyon trilyong taon." Tumingin si Craftsman Master sa space whirlpool at nagpatuloy sa pagsasalita. "Instructions ang lahat ng ito sa akin ni Gurong Mountain Sitting Guest." Hindi maiwasan ni Craftsman Master na magbuntong hininga nang pabulong. "Kawawang nilalang."