Tumama sa makakapal na ulap ang matayog na Craftsman Mountain. Makikita sa paanan ng bundok na ito ang ilang daang mga hindi mapapantayang nilalang na nakaluhod sa lupa. Sa isang tingin ay nagawang malaman ni Luo Feng na mga knight ang 1/3 sa mga ito habang ang natitira ay mga hindi mapapantayang undying fighter sa kalawakan.
"Nasa kulang kulang 200 mga knight ang nakaluhod dito." Sabi ni Luo Feng sa kaniyang sarilio "Masyado nga talagang kaakit akit ang kakayahang bumuo ng mga tunay na kayamanan."
"Hoy! Hindi ka ba sasali sa kanila?" nagtatakang tanong ng nasa tabi ni Luo Feng na si Bo Ni Sha.
"Gusto kong matuto." Ngiti ni Luo Feng habang ibinababa ang kaniyang mga mata para tingnan si Bo Ni Sha "Gusto ko talagang matutunan ang makasaysayang kakayahan ni Craftsman Master. Pero hindi pa ako ganoon kaconfident. Kaya naririto ako para matugunan ang aking curiousity…at tingnan ang mga ito."