Nagsititig sa kapansinpansing kulay silver na mga pakpak na nasa harapan ng gate papasok sa palasyo ang maraming mga tagapagmana at knight na nakalutang sa gitna ng ere, gustong gusto na nilang makuha ang mga ito.
"Isa itong tunay na kayamanan." Sabi ng isang knight "Siguradong hindi ko na kakailanganin pang magpunta sa lupain ng pamana sa oras na makakuha ako ng ganito kahalagang kayamanan."
Isang tunog ng pagbukas sa gate ang maririnig.
Kagulat gulat na nagbukas muli ang gate papasok sa mansyon ni Luo Feng na gumulat sa napakaraming mga tagapagmana sa malayo. Hindi ba patay na si Blade River Emperor? Bakit nagbukas ang gate ng palasyo nito mula sa loob?
Isang emperor level na undying na mayroong katawan na parang hinulma mula sa diyamante ang tumayo sa gate habang nakasuot ng berdeng armor. Ito ay walang iba kundi ang alipin ni Luo Feng na si Honed Heart Emperor.