Narinig ni Light Perception knight ang malakas na pagsigaw ng tagasunod niyang robot. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nakita ang paglabas ni Luo Feng sa pintuan.
"Blade River Emperor!"
Dito na nagflash ang pagiging agresibo sa mga mata ni Light Perception Knight, napuno na rin ng pumapatay na galit ang kaniyang puso. 900 taon siyang naghintay para sa sandaling ito.
"Isang knight para sa isang sector lord. Dapat lang na maflatter ka, Blade River Emperor!"
Biglang nawala si Light Perception Knight sa lugar na iyon.
******
Tumitig na rin ang mga senior mula sa Northern Territory Alliance, Prison race alliance at Nine Territory Alliance sa palasyo ni Blade River Emperor. Nagbigay ng malinaw na utos ang mga senior na ito habang nagpapadala ng mga assassin ang mga lahi ng automaton, demonyo at insekto para patayin ang taong si Blade River Emperor.