"Sino sa inyo ang gusogn mauna?" Tanong ni Luo Feng habang nakatingin sa tatlong mga naglalakasang nilalang sa malayo.
"Mas mahina ako nang kaunti kay Cha Man Emperor at Li Li Emperor." Sabi ni Thousand Rain Emperor "Paano kaya kung ako ang mauna sa amin? Siguradong matatalo ka nang husto kung sila ang mauuna mong makalaban."
Parehong tumingin sina Cha Man Emperor at Li Li Emperor kay Luo Feng habang naghihintay sa magiging sagot nito.
"Kung gusto ninyong lumaban, ilabas niyo na ang pinakamalakas sa inyong tatlo." Direktang sinabi ni Luo Feng.
"Puwede rin." sabi ni Thousand Rain Emperor.