Sa loob ng palasyo ni Sky Wolf sa Ice Hell.
Nababagabag na tinitigan ni Sky Wolf ang babae niyang alipin, umasa ito nang husto habang sinusubukan ng kaniyang alipin na pumasok sa virtual universe.
"Nakatakda akong makulong dito magpakailanman." Sigaw ni Sky Wolf "Pero ito na ngayon ang magdedesisyon kung makakalabas na ba ako ngayon o hindi!" Biglang naging agresibo rito si Sky Wolf—isa itong pambihirang pagpapakita ni Sky Wolf sa tunay niyang anyo "Kinakailangan nitong kumonekta. Kinakailangan nitong kumonekta sa loob!"
Lumipas ang oras habang nararamdaman ni Sky Wolf na para bang ilang siglo na ang dumaan mula noong makuha niya ang scanner. Minulat na ng kaniyang alipin ang mga mata nito.
"Nagawa mo ba?" tanong ni Sky Wolf.
"Opo, master." Buong galang na sinabi ng babae "Mayroon na rin pong sumagot."
"Mayroon nang sumagot?"