Napanginig ng matinding sakit na parang pumupunit sa kaniyang kaluluwa ang buo niyang katawan.
"Mas mahina pa rin ang sakit na ito kaysa sa inaasahan ko."
"Siguradong nasa level na ito ng sakit noong iabsorb ko ang ika 110 kong blood river crystal." Nagawang panatilihin ni Luo Feng ang pagiging kalmado. Kung paguusapan ang tolerance sa pananakit, ilang libong taon na ang nakalilipas, noong mahinang fighter pa lang siya na nasa loob ng Blood River World, naramdaman niyang hindi na niya kakayanin ang sakit na kaniyang naramdaman noong iabsorb niya ang una niyang Blood River Crystal. Pero habang lumalakas ay mas sinasanay pa nito nang sinasanay ang kaniyang mental state.