"Pangalan…" isip ni Luo Feng.
Nasa nangungunang level na rin ang mga manual ng kinikilalang nilalang nasi Xi Luo Duo, ang mga ganitong klase ng manual ay kinakailangang pangalanan nang maingat.
"Ano ang dapat kong itawag dito?"
"Isa itong attack technique gamit ang makaliskis na pakpak na maaari ring magamit bilang isang blade technique. Wing Blade? Void Blade? Wing Blade six forms? Wing blade seven forms? Ang ginagawa nito ay binibigyan ng paraan ang Sha Wu wings na makipaglaban, kaya…Sha Wu manual? Pero maari rin itong gamitin sa pamamagitan ng blade para makipaglaban gamit ang blood shadow blade. Blood shadow manual kung ganoon?" Maraming beses na nagisip si Luo Feng.
Isa isa niya itong tinanggihan.
Palagi niyang nararamdaman na may kulang ang mga ito.
"Ano ang kulang nito?" nagpatuloy sa pagiisip si Luo Feng.