"Napakaraming tao!"
"Napakarami rin ng mga spaceship dito."
Nagulat si Luo Feng at ang kanyang kasama sa nakikita nilang eksena. Isa itong napakalaking hall na mayroong higit sa 30,000km na sukat, sapat na ito para maglaman ng bilyon bilyong sundalo!
"Nasa ilang milyong tao ang kasalukuyang naririto tama?"
"Hm, sigurado."
"May ilang libong spaceship din ang nakapila sa harapan."
Pumila ang maraming spaceship para magawang tumigil sa loob ng hall. Ang iba sa mga spaceship na ito ay mayroong higit sa 1,000m na sukat, habang ang iba ay may ilang daang metrong sukat, magkakaiba rin ang itsura ng mga sundalong nilalaman ng mga ito. Nagagawa ng ilan na magsakay ng hanggang sa 1 milyong sundalo habang ang iba ay maaari lang magsakay ng iilang sundalo.