Sa loob ng palasyong pagaari ng city leader.
"Kamahalang Luo Feng, nagutos na sa amin noon ang city leader na hayaan kang makapasok sa oras na makarating ka rito." Hindi na siya pinigilan pa ng isang grupo ng mga undying na bantay.
Ngumiti si Luo Feng at naglakad papasok.
Habang tumitingin sa kanyang likuran, muling nagsimula ang mga undying na bantay sa paguusap usap.
"Ang pagpasok ng walang kahit anong verification. Maliban sa ilang tao, ang mga taong nakakagawa lang nito ay ang mga disipulo ng city leader. Naging isang tunay na disipulo na kaya si Luo Feng ng city leader?"
"Mukha nga."
"Matagal tagal na rin mula noong inutos ito ng city leader, tinanggap na lang dapat niya si Luo Feng bilang isang disipulo."
…
Tumayo si Luo Feng sa bakurang nakaharap sa primal chaos ruins.
Humakbang siya sa loob nito.
Rumble!