Ang pressure matapos tingnan ni Blood Demon Emperor kasama ng higit sa 100 na undying at 1,000 na sector lord ay masyado nang nakakatakot. Pero nakaranas na si Luo Feng ng ganitong bagay…noong dumating ang army ni 9 blade para protektahan siya. Ang nilabas nilang pressure na sinamahap na ng nagngingitngit sa galit na si Shi Huo knight ay mas naging matindi pa kaysa rito.
"Mukhang ganito niya ipinapakita sa iba ang kanyang lakas." Isip ni Luo Feng.
"Kamahalan." Communicate ni Dylan sa tabi "Wala tayong magagawa kundi tiisin ito."
"Naiintindihan ko." Sagot ni Luo Feng.
Walang kaprobleproblema namang tumawa si Blood demon emperor sa mga oras na ito "Luo Feng at mga undying…sumunod kayo sa akin papasok." Buong puso niyang kinuha ang kamay ni Luo Feng at nagtungo papasok sa Blood Demon palace.