"Maghintay po muna kayo ng isang sandali." Ipinikit ng namumuno sa ika 9 na army ang kanyang mata at ipinasok ang kanyang diwa sa virtual universe network para kausapin ang 70 na undying na commander.
Matapos ang isang sandali ay muli niyang binuksan ang kanyang mga mata.
"Naging ok pa rin naman ang lahat sa kanila." Tingin niya kay Luo Feng "Wala namang naging kahit anong malaking problema sa 70 na grupo habang isinasagawa ang kanikanilang misyon."
Dito na nakahinga nang maluwag si Luo Feng.
Sa dami ng mga taong agad na namatay sa kanyang harapan, at sa hindi aabot sa 10,000 ang nakaligtas mula sa orihinal na 300,000 na sundalo, nagbigay ito ng matinding stress kay Luo Feng. Lalo na sa pagkamatay ng hindi mabilang na sibilyang namumuhay nang mapayapa roon, wala na silang lahat kaya nanginig na lang si Luo Feng sa kanyang loob habang iniisip na. Kung mangyayari ang trahedya na nangyari ngayong araw sa daigdig, ano na ang kanyang gagawin?