Habang hinahawakan ang kasing laki ng palad na bakal sa kanyang kamay ay masyado itong naging malamig at madulas, para bang humahawak siya ng isang piraso ng jade rito.
"May ideya ka ba kung anong klase ng bagay ang kulay itim na bakal na iyan, Feng?" tanong ni Xu Xin.
Dahan-dahan namang iniling ni Luo Feng ang kanyang ulo.
Dahil hindi pa siya nakakakita ng ganitong klase ng bakal, kahit sa minana niyang mga alaala mula sa lahi ng golden horned beast ay nagawag pag-aralan ng seryoso ni Luo Feng ang mga F at G grade na bakal noon. Pero walang ganitong klase ng bakal maging sa kanyang mga alaala.
"Alam mo ba ang tungkol dito, Babata?" tanong ni Luo Feng sa kanyang loob.
"Nagawa ko na itong iiscan pero hindi ko pa rin nagawang makakuha ng kahit anong impormasyon tungkol dito, hindi ko magawang makita ang loob nito, isa itong uri ng black metal na hindi ko pa nakikita kailanman," nagtatakang sinabi ni Babata sa diwa ni Luo Feng.